Patuloy ang pamamahagi ng allowances sa ilalim ng “Mapagkalingang Programa” ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa para sa ikatlong kwarter ng 2023. Sa pangunguna ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron, isinagawa ito mula Miyerkules, Agosto 16, hanggang Sabado, Agosto 19.
Nakatanggap ng tig-P2,000 ang mga miyembro ng Senior Citizen (SC) sa lungsod, gayundin ang mga Person with Disabilities (PWD) at mga Barangay Tanod. Isinulong ni Konsehala Judith Raine Bayron ang ordinansang naglalayong patibayin ang pamamahagi ng mga ‘allowance’, na mayroong “Senior Citizen Code at PWD Code”. Isinusulong din ang resolusyon na magdadagdag ng isang libong piso sa susunod na taon para sa mga seniors, PWDs, barangay tanod, at solo-parent.
Binigyang-diin ni Konsehala Myka Mabelle Magbanua ang programa na naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga kabataan sa kalagayan ng lipunan at pamahalaan. Kaakibat ang mga miyembro ng City Youth Development Office at ng Apuradong Kabataan ng Puerto Princesa, kasama rin sa aktibidad ang mga itinalagang Junior City Officials. Nagkaroon ng pagkakataon si Junior City Mayor Sophia Baaco, isang high school student, na magbigay ng maikling talumpati, kasama si City Councilor Judith Raine Bayron’s counterpart na si Junior City Councilor Andres Palco.
Idinagdag ni Mayor Bayron na ang mga proyekto at programa para sa mga benepisyaryo ay nagtatagumpay at patuloy pang magiging matagumpay sa tulong ng mga mamamayan. Hiling niya ang tuloy-tuloy na suporta para sa mga plano at pangarap ng Mega Apuradong Administrasyon sa lungsod ng Puerto Princesa. Sa pagtatapos ng taong 2023, tiniyak ni Mayor Bayron na ipagpapatuloy ang pamamahagi ng ikaapat na kwarter na allowance.
Discussion about this post