Naka-home quarantine na ang ilang health workers sa Barangay Maunlad na nagkaroon ng contact sa pamilya ng 32-anyos na babaeng nag positibo sa COVID-19.
Ayon kay Kapitan Alfredo Mondragon Jr. ng Barangay Maunlad, napag-alaman nila na nagpa-checkup pa ang lola, lolo, at anak ng pasyente sa mga health worker ng barangay noong November 9, 2020.
“Dito po sa barangay, hinanap po natin kung saan siya pumasok at lumabas nong November 9 dahil nakapagpa-checkup pa si lola, lolo, kasama ang baby and then itong mga 2nd generation contact nila-ating mga health worker-kaagad ay inadvise natin na mag home quarantine muna. Antayin natin ang magiging resulta noong 1st generation ng close contact,” ani Mondragon.
Dinetalye rin ng kapitan na bago lamang sa kanilang barangay ang pamilya nito at kasalukuyang nangungupahan sa kanilang kamag-anak sa Barangay Maunlad.
“Mag-asawa po yan–nagwo-work sa ibang bansa, dumating po siya sa ating barangay noong July and then nag-arkila sya sa kanyang tiyuhin. Buntis ho yan siya. Noong September, nanganak po tapos dumating yung kanyang biyenan o nanay from other barangay na galing sa bayan ng Cuyo,” pahayag ni Mondragon.
Samantala, napag-alaman na positibo ang pasyente nang magpa-test ito sa COVID-19 bilang isa sa requirements sa pagbabalik trabaho sa ibang bansa.
“Noong [November] 11, nagwalk-in [test] siya para sa kanyang trabaho… plano kasi bumalik sa kaniyang trabaho sa ibang bansa, at doon lumabas na positive sya,” karagdagang pahayag ni Mondragon.
Discussion about this post