Magkukulay rosas ang paligid kasabay ng pagsisikap na mapanumbalik ang luntiang kapaligiran.
Ito ang inasahang magiging kaganapan sa darating na ika-14 ng Pebrero, 2023, kaugnay ng muling pagsasagawa ng “Kasalang Bayan” kasabay ng “Love Affair with Nature” sa lungsod ng Puerto Princesa.
Nabatid na ang pagpapatala para sa mass wedding ay sinimulan noong unang linggo ng buwan ng Enero, upang maisaayos ang mga kaukulang rekisitos ng magsing- irog na nais maging bahagi ng “Kasalang Bayan.”
Ang isinasagawang “Kasalang Bayan” ay tuwirang isa sa mga highlights sa tuwing ipinagdiriwang ang Love Affair with Nature tuwing Pebrero na saglit na naisantabi dulot na rin ng paglaganap ng pandemyang CoVid 19.
Ilan sa mga requirements para sa mga ikakasal ay ang Birth o Baptismal Certificates 2023 CENOMAR at cedula.
Ang magpapatala ay kinakailangang magtungo sa upisina ng Oplan Linis sa Puerto Princesa City.
Bukod dito, bukas din ang nabanggit na aktibidad sa lahat ng mga mag-asawa na gustong magrenew ng kanilang sinumpaan sa isa’t-isa bilang mag-asawa.
Ito ay kaunahang pagkakataon lamang na mapasama ang para sa renewal of vows. Dito naman ay kailangan lamang na dalhin ng mag-asawa ang kanilang certificate of marriage bilang katibayan na sila ay naikasal na.
Samantala sa mismong araw ng mga puso ang aktibidad na kung saan ay nakatakda mun magtanim ng mga bakawan ng bawat magkaparehang ikinasalkasabay ng napakaraming mga bisita at mamamyan mula sa ibat- ibang sector na makikiisa sa selebrasyong naturan.
Upang mas maramdaman ang tunay na seremonya ng pag- iisang dibdib, lilimitahan lamang sa dalawang ninong at ninang sa bawat dahil na rin sa nasa panahon pa ng pandemya ang lungsod.
Discussion about this post