Agad nahuli ang isang lalaki na kinilala na si RONNIE RUBIO, 48 anyos, at residente sa Brgy. San Jose, Puerto Princesa City matapos na magreklamo ang ilang residente ng Brgy. Sta Monica sa El Rancho.
Ayon sa City Anti-Crime Task Force, nagpapatrolya sila sa lugar ganap na 1:10AM kaugnay sa curfew hour nang pumara sa kanila ang isang concerned citizen dahil sa isang lalaking umano’y may dalang ital at Indian pana na nanggugulo sa selebrasyon/birthday at hinahabol ang mga motorista na dumadaan.
Nahuli naman ito at na turn-over na sa Brgy Sta. Monica para sa agarang aksyon.
Discussion about this post