Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu kaninang 10:00 A.M. sa Libis Road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.
Nakilala ang suspek na si Rainier Christian Castillo Abayan alyas Kits, 36, binata at residente ng Manalo Extension, Bgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City.
Batay sa spot report ng Puerto Princesa City Police Office – Drugs Enforcement Unit, nakabili ang isang otoridad na tumayong posseur-buyer kay Abayan ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng suspected “shabu” kapalit ng P1,100 na ginamit bilang buy-bust money.
Nakarecover rin sa arestado ng buy-bust money at isang unit ng kulay itim na Nokia mobile phone.
Ayon sa mga otoridad, ang suspek ay bagong pusher at user ng ilegal na droga sa syudad.
Ang buy-bust operation ay sama-samang ginawa ng CDEU at CMFC ng PPCPO, PDEA Palawan at ng Anti-Crime Task Force ng Lungsod.
a ngayon ay nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Discussion about this post