Sa rehas na magbabagong-taon ang isang lalaki pagkatapos na ito ay naaresto sa isang drug buy-bust operation na kinasa ng mga otoridad nitong Miyerkules, 10:00 P.M., Disyembre 26.
Nangyari ang transaksyon sa madilim na bahagi ng Sitio Bucana, Barangay Matahimik, lungsod ng Puerto Princesa na pinangungunahan ng City Drug Enforcement Unit kasama ang Anti-Crime Task Force ng City Government.
Nakilala ang suspek na si Jonathan Bardaje, residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PSI Noel Manalo nang mahalata nito na pulis na pala ang katransaksyon, tumakbo ito palayo, tinapon ang marked money na kanyang natanggap, at nakipaghabulan sa mga otoridad.
“Nung nakita nya na palapit na ang tropa, dahil nakatago din kami, agad itong tumakbo sabay tapon ng pera na marked money,” saad ni PSI Manalo.
Mariin namang tinatanggi ng suspek at aniya hindi ito sa kaniya at hindi rin daw siya nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
“Ay hindi sir, hindi talaga. Wala akong alam diyan. Tinawag lang ako noong lalaki. Nakita ko silang naghahabulan dyan kaya tumakbo na rin ako,” sagot ni Bardaje noong siya ay tinanong ng media tungkol sa nangyari.
Dagdag ni Baradaje, inosente sya at wala siyang alam sa nakuhang shabu sa kaniya at sa katunayan pa raw ito na ang pangalawang beses na nadadawit ang kaniyang pangalan sa ilegal na droga.
Pero sabi ni PS Manalo, may tatlong kaso na pala ang suspek at tatlong beses na rin itong nakulong sa magkakaibang kaso at kalalaya lamang nitong buwan ng Hunyo.
Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag ng RA 9165
Discussion about this post