Muli nang kapiling ngayon ng isa pang COVID-19 survivor sa lungsod ng Puerto Princesa ang kanyang pamilya.
Sa Facebook post ng Incident Management Team ng lungsod ay ipinakita ang munting selebrasyon bago pinayagang makauwi ang ika-apat na pasyenteng survivor sa lungsod.
Si Patient No. 4 na isang lalaking Locally Stranded Individual ay na-discharge kanina, July 6 sa pangunguna ni Dr. Eunice Herrera, ang siyang nangangasiwa sa isolation at quarantine facility ng IMT ng lungsod.
Dala nito ang patunay na siya ay magaling na mula sa virus at hindi makakahawa sa sinuman gayundin ang mga memorabilia na nagpapakita ng kanyang matapang na paglaban mula sa nakamamatay na virus.
Sa kasalukuyan ay nananatiling 15 ang active confirmed COVID-19 cases sa lungsod kung saan lima na ang gumaling kabilang ang naunang Australian National na nakauwi narin sa kanyang bansa bago pa man malaman na positibo ito sa virus habang isa naman ang nasawi mula sa Barangay Tanabag.
Discussion about this post