Nakiusap ang tanggapan ng Land Transportation Office Palawan sa mga nakalinya sa libreng 15-hour theoretical driving course na tuparin at tapusin ang kanilang schedule upang hindi masayang ang kanilang programa.
“Isa sa solusyon din namin na para makapag-accommudate din kami ng iba na ito tapusin natin hindi tayo nagbibiruan, talagang sakripisyo. Wala din kami added workforce sana maintindihan,”
Ayon kay Antonia Dela Cruz, LTO-Palawan Head.Dagdag pa ni Dela Cruz, kung sakaling hindi tumupad sa itinakdang araw ang mga ito ay posibleng masayang ang kanilang pagkakataon at maaaring ibigay sa iba ang kanilang schedule lalo na kung walang sapat na dahilan sa kanilang pagliban.
“Hindi naman [magkakaroon ng block listing] pero siguro dapat ipaalam mo rin para yung nagmamakaawang, nakikiusap diyan ay baka puwede rin i-accommodate. Pero hindi ibig sabihin na pasingitan, hindi naman. Kaya sana i-sure mo na ready ka for these days, kasi magbibigay ng stamp so make sure na dito ka. Ok lang [kung may mabigat na dahilan], case to case bases, yung valid reason naman,”
Inaasahan ngayong araw ng Lunes sisimulan ang proyekto ng LTO-Palawan, subalit sa susunod na linggo ay magsisimula ito sa Marters hanggang araw ng Byernes para mabuno ang 15 oras na kinakailangan ng mga aplikante.
“March 1 is Monday, may holliday kasi, yung [March] 4 kaya sa March 1, 2pm-5pm kasi yung thursday holiday so the next week na wala namang holliday [ay] Thuesday ang start para tuloy-tuloy siya,”
Ayon kay Bert mula sa Barangay Tiniguiban hindi niya tunay na pangalan, matagal na umano siya nagmamaneho na walang lisensya, kaya sana sa mga napasama sa 15-hour theoretical driving course ay huwag sayangin ang pagkakataon dahil marami ang gustong mapasama dito para magkaroon ng lisensya.
“Ang daming gusto mapasama sa libreng theoretical driving course tapos kung hindi sila mag-attend sayang naman sana ibigay na lang sa iba na mas deserving,”
Samantala, nasa 144 na indibidwal ang nakapag-avail ng kanilang programa na kung saan 12 katao ang naka-schedule kada araw. Puno na rin ang kanilang mga slots hanggang buwan ng Mayo at magbibigay na lang umano ang LTO-Palawan ng abiso kung kailan muli sila tatanggap ng aplikante.
Discussion about this post