Nababahala ang mga awtoridad sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa. Sa ngayon kasi ay may 6 na index patients na tinututukan ang Puerto Princesa Incident Management Team (IMT).
“Actually sa pagkakabilang ko meron tayong 6 na local cases. Magkakaiba po yan ‘no. Meron na ngayong 5 positive confirmed na local case at yung kanilang connections ay hindi namin makita dito sa connection ng unang una pang kaso natin nitong i think early pa siya ng March ‘no. So iba siya, itong 5 new local cases. Bagong index case ‘yan.” Ayon kay IMT Commander Dr Dean Palanca.
Ang isa naman sa 6 na binanggit ay ang nakumpirmang positibo ng kanilang tanggapan noong Marso 27.
“Itong case ng isang 81 years old na female, siya po ay nagpakonsulta, isang outpatient ito ‘no. [March] 25 na yun kasi nag-start siya yung symptoms [March] 22, nagconsult ulit nung [March] 24. Nung [March] 25 ay nasa bahay na siya pero nagkaroon ng pabalik-balik na pagsusuka at nandoon pa rin yung flu like symptoms niya kaya nung [March] 26 siya ay nagpakonsulta na sa isang ospital talaga kasi siya ay isang may edad at may mga symptoms siya.”
“Nag-positive siya sa antigen test nung [March] 26 na yun kaya siya po ay ni-recommend na ilipat sa Ospital ng Palawan. Plus mabigat-bigat yung mga nararamdaman niya nagsusuka siya, tapos mga flu like symproms ‘no. Kinategorize siya as moderate yung mga symptoms. Siya ay nilipat sa Ospital ng Palawan. Siya ay in-RT-PCR test nung [March] 27 ng umaga kaya nung bandang afternoon ay lumabas yung resulta na siya ay positive po sa COVID-19.”
Sa ngayon naman ay higit kumulang 100 na ang mga binabantayan ng monitor and surveillance team ng IMT ngunit hindi pa kasama rito ang mga nagpopositibo sa Antigen test.
“Actually, meron tayong sabi nga natin marami talaga siya ‘no. Nasa less than 100 sigurado yung mino-monitor ngayon ng ating monitor and surveillance galing sa iba’t ibang kaso na ‘to ‘no. Although, yung ibang mga local cases natin ay maliit lang sila na family. Yung tinatalaga natin na kanilang mga na-close contact ay hindi rin ganun karami pero iba pa diyan yung ating antigen positive…”
“Maliban pa dito sa sinasabi kong other 5 new local case ay meron pa tayong mga positive na antigen cases na outside na rin po yun. Outside ng connections na ating kino-contact trace.”
Kasalukuyan naman nasa 236 na ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Puerto Princesa. 19 dito ay aktibong kaso, 215 ang recoveries at 2 ang binawian ng buhay.
Discussion about this post