Isa sa ikinababahala ng mga tricycle driver sa Puerto Princesa ay kung magmamatigas at patuloy na mag-o-operate ang Backride Palawan sa kabila ng kawalan nila ng prangkisa.
Ayon sa Presidente ng San Manuel TODA na si Gabriel Bonete, noong una umanong pumutok ang usapin sa Backride Palawan ay nagtanggal lang ng chaleco na pagkakakilanlan ang mga driver nito at patuloy na nag-operate.
“Kasi nung nakaraan, nung time na nagreklamo ako, nung pumutok ang issue, ang Backride Palawan naghubad ng kanilang chaleco. Ito observation lang kasi tinanggal nila chaleco, kanilang identity, pero nag-o-operate pa rin sila. Kasi di natin maiwasan yan eh. Although alam na nila na hindi na sila puwede eh may application sila. Eh ano po ang magiging aksyon ng City Government?”
Ayon naman kay Konsehal Jimbo Maristela ng Committee on Transportation ng Puerto Princesa City Council, kung magmamatigas at patuloy na mag-o-operate ang backride Palawan ay posibleng makansela ang kanilang Mayor’s Permit. Sinegundahan din ito ni Konsehal Roy Ventura.
“Unang una, yung Mayor’s Permit nila puwedeng i-cancel at yung application nila puwede i-report yan.”
“I-report mo sa City kung ganyan ang ginagawa nila, sa Highway Patrol sa NTC.” -Konsehal Roy Ventura
Aminado naman ang Sangguiang Panlungsod na maganda ang hangarin ng Backride Palawan. Ngunit malinaw umano na iligal ang operasyon nito dahil sa kawalan ng prangkisa.
Discussion about this post