Umaasa ang Palawan Provincial Health Office na sapat ang bilang ng mga vaccinators ng lalawigan para sa pagbabakuna kontra COVID-19. Sa panayam ng Palawan Daily News sa programang Newsroom kay Dr. Faye EriKa Labrador, ibinahagi nito na mayroong humigit kumulang 13,000 na vaccinators ang lalawigan ayon sa kanilang vaccination primer.
“Included po sa primer na ito counted po lahat nasa 12,000-13,000 po ang ating mga vaccinators po sa buong Palawan po ‘yan.”
Target naman na mabakunahan ang mahigit 470,000 na indibidwal sa darating na Abril.
“Base po doon sa ating PSA na 2015 po na projected population, we have a projection po of around 470,000 plus na babakunahan. “
“Hopefully maging sapat na ito kasi noong Oktubre po [ay] may ginawa tayong supplemental immunization program para sa mga bata naman po ito. So these are the same vaccinators po natin to do such. Eh ngayon po mas kaunti po ito compared po sa nakaraan nating roll-out.”
Ayon naman kay Provincial Information Officer Winston Arzaga sa interview nito nakaraang linggo, natapos na ang training na isinagawa ng Department of Health para sa mga vaccinators na nakasaad din sa isinumiteng ‘micro vaccination plan’ ng lalawigan.
“Yung mga tauhan nga natin pito (7) sila na nakapag-training na nga sa DOH sa pagbabakuna. Nakapag-train na eh [at] kasama yan dun sa micro plan na yun. Kasama na doon yung pagti-training. Ngayon tapos na [at] nakauwi na nga dito, ituturo nila yung mga nalaman nila sa iba nating doctor.”
Discussion about this post