Posibleng maglabas rin ang Local Inter-Agency Task Force (IATF) ng Puerto Princesa ng bagong protocol na susundin partikular na sa mga paalis at mga papunta sa lungsod batay sa unified protocol na inilabas ng National IATF.
“Yan ay pag-uusapan pa sa susunod na meeting sa IATF (Inter-Agency Task Force) possibly Monday or Tuesday, kung makahingi kami ng meeting sa kanila. Gagawa kami ng mga protocol para mabago ang protocol natin na medyo in line with sa inilabas ng National IATF na yan, so may ire-recommend kami niyan na naka-line ng kaunti na hindi siya babangga sa inilabas ng National IATF na ire-recommend namin sa IATF ng PPC.” Pahayag ni Dr. Dean Palanca, Incident Management Commander.
Inamin din ni Dr. Palanca, na posibleng isulong nila na magpresinta ng RT-PCR test ang mga pupunta sa lungsod pero hindi na sasailalim sa quarantine at magtutuloy na ang mga ito sa kanilang pamilya. Posible rin aniya na alisin ang pagbibigay ng Medical Certificate at Travel Authority na nakabase sa bagong resolusyon ng National IATF.
“Puwede rin naming i-recommend na lahat ng dadating dito may RT-PCR test, puwede yan , mas mahigpit yun, ang puwede lang wala silang quarantine pero depende sa mapag-uusapan sa IATF ng Puerto Princesa. Titingnan namin kung saan namin mahigpitan. Alam ninyo naman ang Puerto ang isa sa mahigpit at mayroon babaguhin kami sa protocols na nakalinya na, hindi naman against sa inilabas ng National IATF,”
“Kapag lalabas ka ng Puerto, pupunta ka ng Manila or Cebu ay Medical Certificate and Travel Authority yung hinihingi. Siguro isa yun sa mawawala kasi since na nandiyan nakalagay na hindi mo na kailangan ang Medical Certificate , hindi mo kailangan ng Travel Authority,”
Aminado ang IMT Commander na mas mababawasan ang kanilang trabaho sa bagong protocol, subalit delikado ito sa pamilya na uuwian at dagdag pasanin para sa mga barangay sa pagbabantay lalo na kapag may nagpositibo. Pero lahat umano ito ay nakadepende sa mapagkasunduan ng local IATF para sa ilalabas na bagong protocol.
“Nakikita namin mas less yung work sa IMT unless lang kung may dala-dalang COVID at magiging malaking problema yan pagdating sa barangay. Hahawaan niya kaagad ang kanyang pamilya at panibagong kaso na naman yan na patapos pal ang tayo at hindi pa tayo contained sa kaso ng San Jose, malaman na lang natin sa gagawin nating meeting at may mga recommendation kami na gagawin para mabago ang protocols ng Puerto.”
Discussion about this post