Sakay ng C295 aircraft, dumating na sa Lalawigan ng Palawan ang mga labi ni 2Lt. Mark Anthony Caabay kahapon makalipas ang ilang araw simula nang bumagsak ang sinasakyan nilang helikopter sa Bukidnon noong nakaraang Sabado.
Matapos ang arrival honor na isinagawa ng Tactical Operations Wing-West (TOW-WEST) sa Antonio Bautista Air Base (ABAB) sa Lungsod ng Puerto Princesa ay agad na isinakay sa nakahintay na military truck si 2Lt. Caabay upang dalhin sa kanilang lugar sa San Jose, Roxas, Palawan.
Nakatakda namang dalhin sa huling hantungan si Caabay sa darating na Enero 25.
Maaalaalang kasama si 2Lt. Caabay sa mga yumao nang mag-crash ang UH-IH 517 chopper ng Philippine Airforce habang patungo sa isang resupply mission sa 8th Infantry Battalion ng Philipine Army sa Bukidnon noong Enero 16, kasama ang anim na iba pa.
Discussion about this post