Hinihikayat pa rin hanggang ngayon ni Puerto Princesa City Councilor Elgin Damasco ang lahat ng mga maninindang pinaalis sa bagsakan area ng New Public Market, Brgy. San Jose na pumayag nang lumipat sa Agricultural Center, Brgy. Irawan.
Pinawi rin nito ang pangamba ng mga manininda na baka malugi sila o mabulok ang kanilang mga paninda kung lilipat sila sa Brgy. Irawan dahil marami namang mga residenteng nakatira rito at maging sa mga kalapit barangay.
“Yung Irawan napakaraming tao. Kung hindi ako nagkakamali nasa 10,000 na yung mga taong naninirahan sa Barangay Irawan plus yung mga subdivision pa. ‘Diba may mga diversion road from Irawan to Sta. Lourdes? May mga subdivision diyan. So yung Bukana, Matahimik, Iwahig, Montible, Sta. Lucia, yung mga taga Luzviminda, mga taga Mangingisda [at] mga taga South, alangan naman na magpupunta pa sila sa talipapa ng Sicsican kung mayroon silang madadaanan na mas malapit sa Irawan.”
Nananawagan naman si Damasco na tulungan ang lokal na pamahalaan at mga manininda sa pamamagitan ng pagbibigay suporta ng publiko upang dayuhin ang kanilang mga paninda.
“So kinakailangan lang talaga ay massive yung ating tulong mai-promote na may nagbebenta na diyan.
Positibo naman ang opisyal na sunod-sunod na ang magiging development sa lugar lalo pa at pataos na ang mga proyekto sa Brgy. Irawan gaya na lamang ng terminal at PNP station.
Discussion about this post