Aabot sa 50 probationary employees ng city government ang makakatanggap ng midyear bonuses mula 2017 hanggang 2022 batay sa Omnibus Rules on Appointment and other HR Actions ng Civil Service Commission.
Batay sa OHRA kwalipikadong makatanggap ng midyear bonuses ang mga empleyado na nanilbihan ng tatlong buwan bago naging ganap na regular na kawani ng gobyerno.
Ayon naman sa pahayag ni City Budget Officer Maria Regina Cantillo, matagal ang naging deliberasyon at ibinase sa interpretasyon ng guidelines na nagpagtalunan ng mga kinauukulan, na partikular na tumutukoy sa mga empleyado na nasa ilalim ng probationary period.
Sinabi ni Cantillo na may ipinasa na silang listahan ng mga empleyado at kasama ang ilan sa mga empleyado ng Sangguniang Panlungsod at mga iba naman ay mula sa iba pang departamento ang makakatanggap ng midyear bonuses.
Sa ngayon, hinihiling nitong i- endorso ni Atty. Arnel M. Pedrosa sa konseho ang resolusyion na magkakaloob ng midyear bonuses ng lahat ng probationary employees na nakapagtrabaho sa pamahalaan, 3 buwan bago sila maging ganap na regular.
Sakaling maisulong na, magkakaloob ng kapahintulutan na magmumula sa Punong Lungsod Mayor Lucilo R. Bayron at Bise Mayor Nancy Socrates upang mabigyan na ng midyear bonuses ang mga empleyado na hindi nakatanggap ng 2017 hanggang 2022.
“Napagkasunduan ng PMT – Performance Management Team na hingi (hingiin) sa inyo (Sangguniang Panlungsod) ang authority to authorizing the Mayor to charge to current appropriation yung unpaid major bonus ng mga empleyadong apektado,” saad ni Cantillo.
Samantala, ipinaliwanag naman ni CG Assistant Department Head ll Lourdes P. Salonga ng Office of the Human Resource Management Officer pakahulugan ng probationary employees. Dagdag pa ng department head, ito ay yaong mga regular employees na pumasok sa Regional Employee pag nagsimula sa government service ang kanilang unang anim na buwan ay makokonsidera na ito ay probationary.
Ito ay sa kadahilanang nagkaroon ng kalituhan sa ginawang evaluation dahil umano sa nakaraang leadership na ang nangyari ay dahil sa alinsunod sa DBM Circular.
“Ganito po ang nangyari in the past na leadership naming. Nag stick po siya sa DBM Circular at ang sinasabi doon o (nakasaad) personal has obtain at least Satisfactory Performance Rating and immediately preceeding rating period, so kung ang bonus po ay ibibigay ng 2022 ang lahat po ng mag qualify ay yung nakapagserve ng July to Dec ng 2021 so doon po nagkaroon ng conflict at nag stick po sya sa probation na yun,” pagsasaad ni Salonga.
“In 2017, naglabas po ang Civil Service Commission ng bagong batas ang ORA OHRA at from there binigyan diin ang probationary na mayroon 3 months at 6 months, so nagkaroon ng revision noong 2018,” sabi pa nito.
“Unfortunately, ang HR Office dahil bagong batas ng Civil Service nag focus kami sa issuance ng appointment,” pagtatapos nito.
Dagdag pa nito yung 2019 at 2020 ay nakita na pwde palang mag qualify yung mga na-appoint ng October to November kasi mag qualify sila sa 3 months’ ng probationary period. At ngayon lang na evaluate ang 2020, 2021 hanggang 2022 dahilan upang ang lahat ay quality.
Samantala, noong 2017 naglabas ang Civil Service Commission ng bagong batas ang ORA OHRA, at nabigyan ng diin ito na meron 3 buwan bukod pa sa 6 na buwan na probationary period. Kaugnay nito, nasa mahigit isang milyon piso naman na paghahatihan ng mahigit kumulang 50 na probationary employees ang kanilang matatanggap na midyear bonuses ngayong 2022.
Discussion about this post