Pormal nang binuksan ang Mini Park Rotonda kamakailan kasabay ng mensaheng manawa’y magsilbi itong mahusay na landmark initiatives ng mega administration ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R Bayron.
Matapos ang mahigit sa anim na taong masinsinang pagpaplano ang lugar na magsisilbing isa sa pinakabagong tourist attraction ng Puerto princesa sa mga local at dayuhang bisita ay mayroong apat na parke, na kinabibilangan ng Balayong Park, Cascading Park, Friendship Park, at ang Mini Park Rotonda.
Ang Mini Park Rotonda ay bukod tanging proyekto na makikita sa Puerto Princesa dahil sa hindi pangkaraniwang gawa sa sining at arkitektura, dahil ang proyektong ito ay ginawa upang maging focal point ng main thoroughfares at pedestrians mula sa highway papuntang City Hall hanggang PSU Rafols Road. Makikita sa Rotonda ang ibat-ibang hayop na makikita sa Palawan tulad ng Palawan pangolin, unggoy at iba pa. Makikita din ang istatwa ng isang pamilyang mula sa tribong Batak. Ito ay nagpapakita na ang siyudad ng Puerto ay mayaman sa kultura, dahil napakaraming mga grupong etniko na namumuhay sa kalupaan na iniingatan ng mga katutubong lugar o kabundukan na kanilang tirahan.
Sa nagging mensahe ni Konsehala Raine Bayron, ” hayaan ninyo ako this time pasalamatan ang ating Punong Lungsod ng Puerto Princesa Mayor Lucilo R Bayron “dad” maraming maraming salamat sa mga pangarap mo para sa lungsod bagamat marami tayong pinag daanan, ilang bash ang inabot natin ilang pangungutya ang inabot natin dahil minsan sinabihan din tayo na masyadong matayog ang mga pangarap ninyo. Masyadong mataas ang pangarap ng puting buhok na yan, pero gaya ng lagi kung sinasabi “bakit masama bang mangarap?” Hindi masama ang mangarap ang masama at masaklap leader ka pero wala kang pangarap sa iyong nasasakupan.”
Discussion about this post