Hinuli ng mga kawani ng Anti Crime Task Force (ACTF) kahapon, Marso 28, ang isang lalaking motorista matapos namataan itong walang suot na helmet.
Sinubukan pa umano nitong umiwas at tumakas gamit ang kanyang motorsiklo ngunit napigilan at nahuli pa rin ito ng mga tauhan ng ACTF.
Inimpound ang motor ng binata na matagal na palang inirereklamo ng ilang mga residente sa Barangay San Jose.
Maliban sa wala itong gamit na helmet ay wala rin itong lisensya. Napag alaman din na kargado ng mga piyesang gamit sa ilegal na drag race ang nasabing motorsiklo.
Discussion about this post