Simula kahapon ay pinayagan na ang publiko na pumasok at dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, subalit sa Puerto Princesa City New Public Cementery, nililimitahan ang tao at ang oras ng pananatili sa sementeryo.
“Mayroon na po tayo nai-deploy na COVID Marshall sa entry at exit point [ng sementeryo]. Kung may bibisita, halos dalawang tao lang sa isang pamilya ang pwede makapasok at maximum 30 minutes lang po sila,” ani Mondragon.
Ang paghihigpit ay kaugnay ng pag-iingat ng pamunuan ng sementeryo lalo na ngayong pandemya.
“Kasi po, iniiwasan natin magkaroon ng maraming tao sa loob. At the same time po, hindi rin natin pinahihintulutan magdala ng pagkain sa loob unless na lang po kung iaalay nila sa mahal sa buhay, pwedi po. Pero kung sasabihin na doon sila mag-snack, pinagbabawal po natin,” saad ni Mondragon.
Samantala, binabantayan umano ng kanilang COVID Marshalls at mga tanod ang mga pumapasok sa loob at labas ng New Cemetery upang masuri ang kanilang mga pupuntahan.
“Pinapatupad po natin ang health protocol[s]. Monitored po natin ang mga nasa loob ng sementeryo–pagpasok po nila, magbibigay po kami ng entry point [at] instruction tapos doon po sa loob ipapaalam namin sa tanod na may papunta sa kaniyang area,” pahayag pa ni Mondragon.
Discussion about this post