Naibigay na ng Provincial Government of Palawan (PGP) ang budget na nagkakahalaga ng P5M sa Provincial Police Office (PPO) na magsisilbing allowance at gagastusin para sa iba pang mga kakailanganin ng mga uniformed personnel sa parating na plebisito sa Marso 13, 2021.
“Base sa ating batas sa COMELEC na kanilang inilabas na mga issuances ang pondo ay manggagaling sa LGU ng Palawan. So initially nung una kong punta dito [Palawan] ay mayroon Five (5) Million na ibinigay sa amin and then Palawan [PGP] is still supporting us pagdating sa mga Police Operations.” Paliwanag ni MIMAROPA Police Regional Director Brigadier General Pascual Muñoz
Dagdag pa ng Heneral, ang allowance ng bawa’t isa ay naka-depende umano sa magiging area of assignment.
“Naka-ready na kung magkano talaga ang kailangan ng ating mga pulis, yung mga per head nila, gasolina at hanggang sa pag-renta ng mga boats naandoon yun or kailangan ng eroplano. Depende yan sa logistics or sa sitwasyon ng mga station.”
Posible pa umano madagdagan ang pondong kinakailangan kung sakaling kulangin umano ito.
“Well yes oo, kung makikita natin, kung ma-prove natin sa kanila [PGP] na kailangan pa natin ng additional na pondo siyempre bibigyan tayo niyan kasi hindi puwede mag -ail ang ating operations.”
Subalit handa umano ang Provincial PNP na gumastos ng sarili nilang pondo kung kinakailangan.
“But the PNP is always here to provide mayroon naman kaming MOE na nandiyan na naka built-in na so ginagamit na rin namin yan para sa aming mga police operations so malaking tulong din ito and kung saka-sakaling kailangan pa rin naman talaga natin the PNP will always provide.” – MIMAROPA Police Regional Director Brigadier General Pascual Muñoz
Discussion about this post