Dakong 11:00 A.M. nang mawalan ng kuryente sa buong Palawan dahil nasunog ang lumang Engine 2 generator ng Delta P, Incorporated na isa sa nagbibigay ng kuryente sa buong probinsya.
Ayon sa inilabas na pahayag ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) Spokesperson Clarina Herrera na nagtaka sila nang biglang nawala ang kuryente at maya-maya’t nakatangap ng tawag na may sunog na nagaganap sa Delta P sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa.
“Ang ating pong pamunuanan ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) ay bigla na lang nagulat na dakong alas-onse ay nawalan tayo ng daloy ng kuryente. After a while po ay may tumawag at humihingi nga po ng ayuda at ito nga po ang isa nating power provider partikular itong Delta P na nandito sa bahagi ng Bgy. Sta. Lourdes,” pahayag ni Herrera sa presscon na dinaluhan ng Palawan Daily News sa fire scene.
Ang Delta P, incorporated ay isang independent power producer sa Palawan na nagpapatakbo ng 16CMW 4 bunker-fired power plant na merong apat na units ng 4CMW generator sets.
Pinuri naman ng Bureau of Fire Protection at PALECO ang Delta P sa pag-apula ng apoy kung saan wala din nasawi o nasugatan sa insidente.
“Pero natutuwa po sila [BFP] dahil wala pong casualty, wala man lang na-injured. Dahil alam naman po natin ang Delta P ay mataas po ang kaanilang kapasidad when it comes to health and safety ng kanilang mga empleyado,” dagdag ni Herrera.
Sa ngayon, bumalik na rin ang daloy ng kuryente at nag-iimbestiga na din ang pamunuan ng Delta P ukol sa nangyaring insidente at ibibigay nila ang kanilang pahayag pagkatapos makuha ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Discussion about this post