Hiniling ng Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council (PPC-COVAC) sa mga mamamayan na magparehistro online para sa kanilang pagbabakuna kontra sa COVID-19.
“Kung mayroon po kayong access sa internet…ma-access ninyo po ang link para makapag-register online sa vaccine sa facebook, papasukin muna and Puerto Princesa City COVAC tapos may link doon nakalagay na ‘rehistrado ka na ba?’ magparehistro tapos may link doon,” pahayag ni Dr. Ricardo Panganiban, City Health Officer at PPC-COVAC Chairman.
Nilinaw din ni Dr. Panganiban na iipunin muna ang mga nagparehistro, aalamin kung saan sila napapabilang na batch para mabakunahan at kapag mayroong available na bakuna ay saka nila i-text o schedule ang mga ito.
“Kami po ang mag-schedule doon…mayroon po kaming gagamiting text blast o massage, mayroon kaming system na gamit ngayon kung kilan [kayo i-shedule] i-filter po namin ‘yun. Example senior citizen then San Pedro i-text ‘yun sasabihin ‘punta kayo ng umaga’,”
Ipinaalala rin ng PPC-COVAC Chairman na bukod sa online ay pinapayagan naman na magparehistro sa kanilang barangay.
“Actually puwede pa rin sa barangay, puwede rin sa online…at least may iba silang alternative (at mas convenient sa ibang mamamayan).”
Ayon naman kay Michelle mula sa Barangay Sicsican, mas komportable sa mga nais magpabakuna na gawin sa online ang pag-register para tipid sa oras at iwas pa sa banta ng COVID-19.
“Mas maganda ‘yan bawas hassle sa mga gusto magpabakuna, hindi pa pupunta sa Barangay baka mahawaan pa tayo ng virus. Mag online na lang, mas mabilis pa lalo na ngayon lockdown ‘yung limang Barangay dito sa atin (Puerto Princesa City),”
Samantala inamin din sa Palawan Daily News ni Dr. Panganiban, malapit na matapos ang kanilang pagbabakuna sa mga nasa A1 priority kung saan kinabibilangan ng mga frontliners at susunod na rito ang mga nasa A2 o mga senior citizen.
Discussion about this post