Sapat umano ang water supply na maipapamahagi ng Puerto Princesa City Water District sa 50 Barangays ng lungsod ng Puerto Princesa ngayong panahon ng El Niño.
Sa panayam ng local media kay General Manager Walter Laurel ng PPCWD, hindi umano makakaranas ng water reasoning ang mga mamamayan dahil sapat ang demand ng supply ng tubig lalo na 70% ng tubig ay mula umano sa Montible habang sa Barangay Irawan ay 30%.
“Major surface ‘yung Montible and Irawan. As of now, ‘yung ating Irawan nasa 30% na capacity doon from high as 700 meters per hour 250 nalang tumatawid, ang Montible halos 70% ang ating sources galing doon. So 30,000 cubic meters per day ang naiistract doon,” ani Laurel.
Anya, sustainable din ang daloy ng tubig sa mga ilog base sa kanilang ginagawang monitoring kada buwan, kung saan nakapagtala lamang sila ng mababang record noong 2015 dahil halos apat na buwan ay walang ulan, kaya naman ayon sakanya ay nasa 30,000 cubic/day ay sapat at sobra pa.
Pinasinayaan din nito lamang Abril 28 ang Ultraviolet Water Disinfection System na matatagpuan sa Iwahig na ginagamit at pinagkukunan ng tubig sa lungsod at dumadaan sa proseso ng ultraviolet disinfectant system.
Ayon kay Laurel, 30 milyong litro ng tubig ang kaya nitong linisan na nagmumula sa mga pangunahing water sources sa siyudad.
Dagdag niya, makapagbibigay na ligtas at malinis na tubig para sa mga mamamayan dahil ang PPCWD pa lamang umano ang kauna-kaunahang nagkaroon ng 100% disinfection gamit ang ultraviolet light.
“Sa buong Pilipinas tayo ang unang water district na nagkaroon ng 100% na disinfection using ultraviolet light. Traditionally, ang pag-disinfect ng tubig natin ay chlorine ang disadvantageous sa chlorine, nakaka-alter ng taste at odor ng tubig, so pag mataas ang dosing, maamoy mo ang chlorine, mabaho at nagbabago ang lasa niya,” ani Laurel.
Naging panauhin din sa pagpapasinaya sa Ultraviolet Water Disinfection System sina Bureau of Corrections (BUCOR) Director General Gregorio Pio Catapang Jr.
Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Francis John L. Tejano, City Mayor Lucilo R. Bayron, Iwahig Prison Penal Farm (IPPF) Superintendent Gary Garcia, former city councilor Rolando Amurao, at iba pang mga lokal na opisyales.
Discussion about this post