Kasabay ng pagdiriwang ng labor day kahapon, Mayo 1, isang pabahay ang inihandog ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni PLT Col. Mhardie Azares, Force Commander, sa isang lola na nakatira sa Barangay San Isidro, Roxas, Palawan.
Si Lola Juanita Cabaniro, 78-anyos, matandang dalaga, at naninirahan sa Barangay San Isidro, Roxas, Palawan, ay mag-isang tinataguyod ang kanyang tatlong menor de edad na apo sa pamangkin.
Ang 2nd Palawan PMFC, ay muling naghandog ng libreng pabahay, at isa si Cabaniro ang napiling mabiyayaan ng kanilang programang “Kalingang 2nd Palawan PMFC, Walang Imposible” dahil sa pinakita niyang pagsisikap na maitaguyod ang kanyang pamilya sa kabila ng hirap at mga hamon sa buhay.
Si Cabaniro ay kabilang sa nabiktima ng bagyong Odette at nasira ang tahanan, at dahil nga sa kahirapan ng buhay ay hindi nito kaya pang ipatapos ang kanyang bahay.
Sa tulong ni SK Chairwoman Maria Guia P. Samillano ng nasabing barangay, kanyang idinulog sa pamunuan ng 2nd Palawan PMFC at sa pamamagitan ng kanilang programang “Kalingang 2nd Palawan PMFC, Walang Imposible” ay agad na nagtungo sa lugar ang kapulisan at nakita ang sitwasyon ni Cabaniro kasama ang mga apo nito.
Agad na sinimulan ng 2nd Palawan PMFC ang planong pabahay katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng barangay sa pangunguna ni Kapitan Eddie G. Hugo ang pagsasagawa ng bahay na natapos lamang sa loob ng sampung araw.
Kahapon ay pormal ng naipagkaloob ng 2nd Palawan PMFC sa pamamagitan ni PLT Col. Mhardie Azares, lokal na pamahalaang Barangay ng San Isidro at ni Pastor Christino Ray DriLon, Values Life Coach at Force Advisory Group, ang bagong bahay nila Cabaniro
Lubos naman ang pasasalamat niya sa mga kapulisan ng 2nd Palawan PMFC sa biyayang kanyang natanggap. Aniya, malaking tulong sa kanya na magkaroong muli ng sariling bahay para na rin sa kapakanan ng kanyang mga apo.
Sa huli, ang pamunuan ng 2nd Palawan PMFC ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumulong at suporta sa nasabing programa.















Discussion about this post