ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

PPCWD: stable ang mga water source ngayon

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
March 25, 2021
in City News, Puerto Princesa City
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Tubig sa tag-init, sasapat- PPCWD
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Tiniyak ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) na kasabay ng pagpasok ng tag-init ay kaya pa ring maibigay ng kanilang mga kasalukuyan source ng tubig ang pangangailangan ng lungsod.

“Ngayon, ‘yon pong ating status ng ating mga water source ay stable pa naman, especially ‘yong Campo Uno source natin [at] ‘yong atin pong sources sa Montible and Lapu-lapu [Rivers], ‘yong temporary source po natin doon ay stable pa ‘yong supply ng tubig,” ang pahayag ni Jenn Rausa, tagapagsalita ng PPCWD sa phone interview ng Palawan Daily News (PDN).

RelatedPosts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Nineteen days before the bullet

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

Ani Rausa, ang Campo Uno pa lamang, ngayong araw ay nakapagbibigay pa rin ng average daily flow rate na 500 cubic meters per hour.

“Mataas pa po ‘yon dahil ang pinaka-average ay nasa 750 cubic meter per hour and given na nasa March na tayo, malapit na tao sa April and kumpara noong mga nakaraang taon na na-experience natin, ngayon, maganda ‘yong supply ng tubig natin. Kasi kung magbi-base tayo noong nakaraang mga taon, sa ganitong panahon ay nagrarasyon na tayo ng tubig,” dagdag pa niya.

Dahil dito, malugod niyang inihayag na ngayon ay hindi magdedeklara ng Water Crisis Alert Level 1 ang kanilang tanggapan.

Aniya, maliban sa maganda pa ang status ng Campo Uno sa ngayon, binigyang-diin niyang malaking tulong na na-tap ng PPCWD ang provisional water source ng Montible at Lapu-lapu Rivers simula pa noong Abril 2020. Ang nasabing Water Supply Improvement Project (WSIP) II ay nasa 70 porsiyento na ring tapos sa kasalukuyan.

“Yong provisional pa lang po ‘yong na-tap natin doon sa Montible and Lapu-lapu. Bale, 50 percent palang ng project design ang operational ngayon na in-implement natin. We are targeting na mag-operate po itong Montible and Lapu-lapu project natin [in full] by November. Supposedly po by July this year [sana] pero dahil sa pandemic, nakaapekto sa shipment ng mga equipment na gagamitin at mga materials, kaya nag-adjust tayo ng November,” ani Rausa.

Tinuran ding niyang kahit umano ipagpalagay na hindi na-tap ang  Montible at Lapu-lapu ay magiging sapat pa rin ang suplay ng tubig ng siyudad. Nariyan umano ang posibilidad na bahagyang hihina ang pressure ngunit hindi ito tuluyang mawawala dahil sa ngayon ay nag-o-overflow pa ang Campo Uno dam.

“Mataas pa ‘yong water level [doon], then hindi pa natutuyuan ‘yong ilog ng Irawan, so, makakukuha pa tayo ng supply doon. Malaking karagdagan lang po talaga itong ating Montible and Lapu-lapu dahil hindi na nag-o-operate ‘yong mga pumping station natin,” ayon pa sa spokesperson ng PPCWD.

NAKATULONG ANG PALAGIANG PAG-ULAN?

Sa obserbasyon ng tagapagsalita ng Water District, masasabi umanong malaki ang naitulong ng palagian at sunod-sunod na pag-ulan sa nagdaang mga linggo kaya hindi agad natuyuan ang naturang mga ilog.

“Kung sakali ngayong April, hindi tayo makararanas ng pag-ulan, we can still say na enough pa ‘yong supply ng tubig natin dahil ‘yong capacity ng mga ilog natin ngayon ay nasa normal level pa,” dagdag pa niya.

Samantala, base naman sa isinagawang pag-aaral ng PPCWD, magagamit hanggang 10-15 taon ang WSIP II na may production capacity na 30,000 cubic kada araw.

“Pero hindi naman ibig sabihin na kapag natapos na ang 10 years na ‘to ay hindi na magagamit ‘yong   source—magagamit pa rin po ‘yan, magtutuloy-tuloy pa rin po ‘yong operation just like ‘yong sa Campo Uno natin…[na] parang 10 years lang din po ‘yong design capacity pero until now, nagagamit pa rin natin,” saad pa ni Rausa.

Sa kabila nito, patuloy namang hinihikayat ng ahensiya  ang mga mamamayan na maghanda at magtipid pa rin ng tubig sapagkat papasok na ang buwan ng Abril at pabago-bago ang panahon na hindi rin umano maikakailang makaaapekto pa rin ito sa source ng tubig.

Tags: Montible and Lapu-lapu [Rivers]Palawan Daily News (PDN)Puerto Princesa City Water District (PPCWD)Water Supply Improvement Project (WSIP)
Share105Tweet66
ADVERTISEMENT
Previous Post

Get tested, stay protected: Take saliva RT-PCR test at SM

Next Post

Alkalde ng Bataraza, hindi umano sumingit sa linya para magpabakuna kontra COVID-19

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
City spearheads Cultural Mapping Workshop
City News

City spearheads Cultural Mapping Workshop

March 2, 2026
City eyes urban transport terminal near SM
City News

City eyes urban transport terminal near SM

February 26, 2026
Next Post
Alkalde ng Bataraza, hindi umano sumingit sa linya para magpabakuna kontra COVID-19

Alkalde ng Bataraza, hindi umano sumingit sa linya para magpabakuna kontra COVID-19

SB Member, hiniling na suportahan ang ‘diplomatic protest’ ng DFA laban sa China

SB Member, hiniling na suportahan ang 'diplomatic protest' ng DFA laban sa China

Discussion about this post

Latest News

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

Mega Gloryoung International (MGI) to launch eyewear products on March 10 in Puerto Princesa

March 6, 2026
Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Strip the money and see who still files candidacy

Under construction, under construction

March 5, 2026
Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

Cong. JCA, sinabing malapit nang makauwi ang 24 Palawenyong mangingisda na nakapiit sa Kota Kinabalu

March 2, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15238 shares
    Share 6095 Tweet 3810
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11683 shares
    Share 4673 Tweet 2921
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10299 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9980 shares
    Share 3992 Tweet 2495
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9735 shares
    Share 3894 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing