Inanunsiyo ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo R. Bayron kahapon araw ng Lunes Mayo 22, sa flag raising ceremony na marami na ang nagkaka-interest na developers sa Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dito sa Puerto Princesa.
Ayon kay Mayor Bayron, bago umpisahan ang proyekto, kinakailangan kilalanin ang kumpanyang pagkakatiwalaan na hahawak sa proyekto dahil upang hindi malagay sa alanganin at baka iwan ang nasimulang kunstraksyon, kinakailangan din dumaan sa proseso ang isang kompanya, bagaman nais na nitong masimulan ang Pambansang Pabahay Program.
“Dumadami ang developer na nakikipagkita para doon sa Pambansang Pabahay Program kasi nakikita talaga nila na tayo ang nauuna. Sa ibang cities and provinces, Bulacan ay limang groundbreaking ang ginawa nila PBBM doon pero wala man nagsisimula pa hanggang ngayon. Maraming problema na kailangan asikasuhin at sa atin ‘yong developer na lang ang kinakailanga natin. Ang lupa andiyan, malinis… tapos ang beneficiaries adniyan mayroon tayong listahan.
Kinausap na natin ang mga nakatira sa Cuyito na mga 904 families yon at ready na tayo. Kailangan lang ay mag-sign na tayo ng MOA (Memorandum of Agreement).”
Kaya naman kakailanganin ang presensiya ng City Engineering Office at ang Office of the City Architecture at dadaan rin sa patnubay ng Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD para sa pagsusuri.
Samantala, sumailalim na rin sa isang consultation meeting ang mga informal settlers ng tatlong coastal barangays ng siyudad na magbibenepisyo ng pabahay na programa sa Barangay Irawan at Barangay San Jose.
Discussion about this post