LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Dalawang lalaki ang nakuryente sa Green Valley Road, sa harap mismo ng Puerto Princesa School for Arts and Trade, Barangay San Manuel pasado 2:55 nitong hapon, Agosto 27.
Ang mga biktima kinilala na sina Junior Castro at Alyas Tonton.
Sa ekslusibong panayam ng Palawan Daily News sa kasama nito na si Jomar, nakita na lamang niya ang dalawa na nagliliyab dahil na kuryente at agad siyang tumalon pababa ng sasakyan.
“Maglilipat sana kami ng makina sa kabilang truck galing pa kami sa Narra tapos iyong crane ng truck ay dumikit sa kable ng kuryente tapos nakita ko si Tonton nakahawak na sa sasakyan nangingitim na at si Junior naman ay tumalsik,” saad ni Jomar.
Makikita sa lugar ng pinangyarihan na may isa pang truck na kung saan kinakailangang ilipat sana doon ang makinang dala ng nasabing biktima. At dahil dumikit sa kable ng kuryente ang crane ng truck, ito ang maaring naging dahilan sa pagkuryente sa dalawa.
Agad namang rumesponde ang ambulansya para mabigyan ng agarang lunas ang dalawang biktima.
Hinala ng mga kasamahan nito na maaring wala na silang buhay dahil nangingitim na sila.
Dinala ang dalawa sa Ospital ng Palawan para sa kaukulang lunas.
Samanatala, inaalam pa ng mga otoridad ang buong pangyayari hingil sa aksidenteng ito. (Imee Austria/PDN)
Discussion about this post