Pinasaringan ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron sa kaniyang naging ikatlong State of the City Address kaninang umaga sa City Coliseum ang nakaraang administrasyon.
Ayon kay Mayor Bayron, kabilang kasi sa naging problema ng kaniyang panunungkulan sa nakaraang anim na taon ang recall election matapos ang 2013 election na natuloy kung saan dahil umano sa tulong ng mga mamayan ng Puerto Princesa ay tinalo niya ang kaniyang katunggali.
Naging problema niya noon ang legislative support dahil noong 2013 sa 15 Konsehal 10 ay nasa kabilang partido o kalaban niya at tumulong sa isunulong na recall election. Mabuti na lamang umano noong 2016 election ay nakuridas na sila kaya wala nang problema sa Sangguniang Panlubgsod at itong nakaraang 2019 elections ay naging super majority na kaya naroon pa rin ang suporta ng City Council.
Binanggit rin ni Bayron na isa sa mabigat na problema niya noon ay ang pananalapi dahil ayon umano sa Commission on Audit Annual Audit Report noong pagtatapos ng taong 2012 ang Pamahalaang Panlunsod ay may cash deficit na P663 milyon. Pero ngayon daw ay burado na ito, at nagawa niya iyon sa loob lamang ng dalawang taong panunungkulan niya.
Umabot naman raw sa P2.17 bilyon ang utang ng syudad sa mga bangko subalit noong August 2019 ay nasa P250 milyon na lang at mababayaran na ng buo sa susunod na limang buwan.
Mayroong rin umanong P159 milyon ang mga vouchers na pending sa Treasurer’s Office na ang iba ay 2010 pa nag-aantay ng kabayaran, pero ngayon ay nabayaran ng lahat ng syudad.
Samantala, ang utang umano sa Palawan Electric Cooperative o Paleco ay umabot naman ng P34 milyon pero bayad na raw lahat sa loob lamang ng apat na buwang panunungkulan niya.
Kinumpirma naman ni Bayron na sa ngayon pag may dumating na bayarin sa Treasurer’s Office ay hindi na nag-aantay ng pagdating ng Internal Revenue Allotment.
Ito raw ay puwede nang bayaran agad dahil na pangasiwaan ng maayos ang pananalapi ng City Government. Sa katunyan noong September 14, 2019 ay may savings deposit daw ang syudad sa Land Bank of the Philippines na nagkakahalaga ng P459 milyon.
Nagkaroon rin umano ng problema sa turismo dahil sa palpak na booking system kaya katakot-takot na reklamo at batikos ang inabot mula sa buong mundo subalit maayos na raw ngayon ang Puerto Princesa Underground River Transparent and booking system at ngayon ay hall famer awardee ng trip advisory.
Maliban dito, sinabi rin ni bayron na nagkaroon rin noon ng problema sa relocation site na binili ng dating administrasyon dahil hindi ito akma at overpriced pa, may problema sa kakayahang gumawa at magmintina ng mga city roads dahil sa mga lumang heavy equipments, naging problema rin ang pagsasapribado ng dalawang public market, slaughterhouse at Bus and Jeepney terminal na idineklarang null and void ng Korte Suprema dahil walang bidding na nagawa, problema noon ang mga madidilim na kalsada,at magarbong pagtanggap sa mga bumibisita sa lungsod.
Ipinagmalaki naman ni Bayron na lahat ng problemang ito ay nabigyan na o binibigyan na ng sulosyon ng kaniyang administrasyon.
Discussion about this post