Nadagdagan ng tatlo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Puerto Princesa base sa update ng Incident Management Team (IMT) ngayong araw, Pebrero 9, 2021.
Ayon kay IMT Commander Dr. Dean Palanca, sa 26 na indibidwal na sumailalim sa RT-PCR test, tatlo ang positibo sa COVID-19. Isang (1) close contact ng 82 anyos na babae mula sa Barangay San Jose habang ang dalawa (2) naman ay mga Authorize Persons Outside Residence (APOR).
Isa sa mga APOR ay 30 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Miguel, Government employee at dumating sa lungsod mula Maynila noong Pebrero 1. Ang isa naman ay 27 anyos na lalaki, residente sa Barangay Sta. Monica at dumating sa lungsod noong Enero 25.
Habang ang close contact naman ng 82 anyos na lola ay 22 anyos na lalaki na residente rin sa Barangay San Jose.
Nilinaw din muli ng IMT Commander na wala ipatutupad na lockdown sa barangay San Jose at dadaan ito sa proseso kung pahihintulutan ng Local Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ngayon ang lungsod ay may 170 na naitalang kaso ng COVID-19, 160 ang recovered, 8 ang active at 2 ang binawian ng buhay.
Discussion about this post