Magsasagawa ang Puerto Princesa City COVID-19 Vaccination Council ng ikalawang simulation para sa pagbabakuna kontra COVID-19 upang maayos ang magiging takbo ng pagbabakuna sa lungsod ng Puerto Princesa.
“We are planning another round of simulation kasi may babaguhin. Hindi yung proseso kundi yung puwestuhan lang may babaguhin kaming konti. Titingnan naming so whichever is yung mas maganda, yun ang gagamitin natin. At yung mga nag-man nung Sabado, yun na rin po yung mga naka assign dito [na] magbabakuna. Yun na rin po sila [ang magiging parte ng simulation].” Ayon kay Dr. Ricardo Panganiban, City Health Officer at PPC-COVAC Chairman.
Dagdag pa nito, inaasahan nilang bibilis ang magiging proseso ng aktwal na pagbabakuna kumpara sa naging ‘dry run’ dahil ang mga mamamayang magpapabakuna ay magrerehistro muna sa kanilang mga barangay bago pupunta sa naka-schedule na appointment sa City Coliseum. Ang nakikita lamang na isyu ay ang pag-mo-monitor ng mga pasyente.
“Kailangan talaga na pagdating doon ay naka-register na siya para hahanapin na lang ang pangalan niya sa data base. Hindi nagtatagal sa registration [and] at the same time doon sa waiting dapat wala na talagang napakahabang IEC doon. Dapat na-educate na sila [sa] barangay palang.”
“Kasi nag-start kami ng past 9 [am], so by 10:30 [am] yung isang daan [100 na tao] wala na, ubos na rin. Eh mabagal pa yun.”
“Yung tinitingnan naming kasi talaga yung bottleneck is yung sa monitoring, yung sa likod. Kasi mag-aantay ka dun ng 30 minutes after [mabigyan] ng bakuna.”
Maaalalang nagsagawa ang pamahalaang lokal ng simulation para sa vaccination implementation noong Sabado, Pebrero 6, sa City Coliseum bilang hakbang sa paghahanda ng mga bakunang inaasahanag darating sa lungsod.
Discussion about this post