Nagsalita na si Mayor Lucilo Bayron ukol sa pag-file ng kanyang anak na si Judith “Raine” Bayron sa pagka-akalde at sinabi nito na sinisigurado nilang Bayron lamang ang tatakbo bilang alkalde. Ipinaliwanag ng alkalde na ikinukonsidera ng kanilang pamilya ang lagay ng kalusugan niya kung kaya ay pinagpasyahan nila ang posibleng kandidatura ng kanyang anak na si Raine. “Napagdesisyunan na mas maganda mag-file ako, mag-file ang anak kong si Raine,” aniya. Ngunit, depensa ng mayor ay hindi ito substitution sapagkat may kanya kanya silang partido bagkus ay bago mai-print ang balota, isa sa mag-ama ay magwiwithdraw mula sa kandidatura. “Ito ay hindi substitution… Kailangan lang before i-print ang balota, isa sa amin ay magwiwithdraw,” dagdag ni Bayron. Ipinaliwanag ng alkalde na ikinunsidera ng kanilang pamilya ang maaring lagay ng kanyang kalusugan, kung saa’y hinihintay ang resulta ng medical clearance mula sa general check-up ng mayor. “Oras na malaman, siguro hindi na rin magtatagal ay malalaman na kung sino sa dalawang Bayron ang tatakbo pero sinisiguro namin na iisa lang talaga ang tatakbo,” pahayag ni Mayor Bayron. Ngunit ayon sa mayor ay wala siyang malalang sakit ngunit naninigurado lamang na maalalagaan niya ang sarili niya. “Ang aking sakit ay hindi nakamamatay ngayon o sa malapit na panahon, hindi ganon.. Hindi ito kanser na bukas ay bubulagta na ako, hindi ganon kalala ang problema. Kaya nga tayo nag hihintay nh further medical test para makapag-antay ang ating doctor,” aniya. Pahayag naman ng kanyang anak na kung sakali man ay ang kanyang ama ang magwiwithdraw sa kandidatura at sya ang tatakbo bilang mayor ay sinisigurado niyang handang handa siya para sa ipagpatuloy ang nasimulan ng ama. “Kung gaano ako ka-ready, ang masasabi ko lang dyan ay hindi ako tatayo sa ganitong sitwasyon kung hindi ako handa,” saad ni Raine. Aniya’y kung madidiin man bilang alkalde ay nais niyang ipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan na ng ama. “Syempre ipagpapatuloy natin ang nasimulan ng ating dad, siguro yung iba (platform), pag andun na tayo, kasi hindi pa naman tayo siguro kung ako o si Dad ang tatakbo,” pahayag nito. Ngunit kasalukuyan ay hindi pa nakapagbibigay ng eksaktong araw kung kelan malalaman ang medical results ng alkalde.
Discussion about this post