Patay ang dalawang motorista matapos mabangga ng Cherry bus sa South Nat’l Highway malapit sa pangunahing gate ng Iwahig Prison and Penal Farm, Barangay Iwahig, pasado 9:02 ng gabi nitong Oktubre 1.
Kinilala ang nasawi na si Jhon Cris Colimbo Arcuyo, 31 anyos at naninirahan sa Purok Bayanihan, Jose Rizal, Aborlan habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng kanyang kasama.
Ang drayber naman ng Cherry Bus na pagmamay-ari ng Southern Dragon Express Transport Incorporated ay si Pablo Genovea Chavoso, 61 anyos, at naninirahan sa Purok Magkakaisa, Brgy Bancao-Bancao, Puerto Princesa City.
Ayon sa imbestigasyon, bumibiyahe ang motorsiklo sa kanyang linya sa kanang bahagi patungo sa direksyon ng Aborlan, habang ang bus ay binabagtas ang kahabaan ng linya patungong lungsod nang mangyare ang aksidente.
Ayon sa mga saksi, pumasok ang bus sa linya ng motorsiklo dahilan upang mabangga nito ang nasabing sangkot.
Nagdulot nang pagkalat ng mga debris sa inner right lane ng motor bilang resulta, ang drayber at pasahero nito nagtamo ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan at agad na dinala sa ospital para sa medikal na atensyon ngunit idineklarang patay ng doktor pagdating sa pagamutan.
Discussion about this post