Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Sangguniang Panlalawigan, binigyan pahintulot na manatili muna sa pwesto si Seguritan habang wala pang bagong IPMR

Jane Jauhali by Jane Jauhali
January 20, 2023
in City News, News, Provincial News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
Sangguniang Panlalawigan, binigyan pahintulot na manatili muna sa pwesto si Seguritan habang wala pang bagong IPMR

Photo Credits to PIO Palawan

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Inaprubahan sa ginanap na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong nakalipas na Miyerkules, Enero 17, ang isang resolusyon na nag-aapruba na manatili muna sa pwesto si BM Purita Serguritan habang wala pang bagong IPMR representative na nailuluklok.

RelatedPosts

Provincial Vet Office ng Palawan, patuloy ang serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Palaweño

PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

Kasalang bayan sa Love Affair with Nature, isasagawa sa Puerto Princesa

Sa pamamagitan nitong resolusyon pinamagayang, “A resolution expressing support to the hold-over capacity of Hon. Purita J. Seguritan, Provincial IPMR to remain in office until such time the new selected Provincial IPMR secure his/her certificate of affirmation,” ay pahihintulutan ng Sangguniang Panlalawigan na manatili sa kanyang panunungkulan si  Seguritan bilang Provincial Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) habang hindi pa natutukoy at wala pang Certificate of Affirmation (COA) ang susunod na IPMR ng lalawigan na nakatakdang umupo sa puwesto ngayong taon.

Sa naging mensahe ni Seguritan, ipinaliwanag nito na ang naturang desisyon ay base sa napagkasunduan ng siyam na tribu sa Palawan upang hindi mabakante ang posisyon at patuloy na magkaroon ng kinatawan sa Provincial Board.

Matatandaan na noong Disyembre 7-8 ng nakalipas na taon, ay nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng IPMRs mula sa iba’t ibang munisipyo at barangay sa lalawigan kasama ang mga IP leaders ng kani-kanilang mga lugar sa isinagawang “2022 IPMR Year End Convention” na pinangunahan ng Provincial IPMR upang talakayin at ihanda ang lahat ng mga mahahalagang dokumento ng IPMR para sa napipintong pagtatapos ng kanyang termino upang mas maging maayos ang magiging transition ng kanyang panunungkulan sa bagong mamumuno ng IPMR.

Kasabay nito ay matagumpay ding natukoy ang susunod na mauupo bilang bagong IPMR ng lalawigan at ito ay ang Tribong Cuyunon na mula sa bahaging norte ng Palawan.

“Noon pong December 7-8, nagkaroon kami ng Convention at napagkasunduan po ng 9 na tribu,  sa akin pong initiative para malaman ang susunod na tribu na uupo bilang Provincial IPMR. Napagkasunduan po namin nung time na yon na ang napili na susunod ay Tribung Cuyunon at ‘yun po ay mula sa norte,”ani Seguritan.

“Sa kagustohan din po ng lahat ng tribo, napagkasunduan din po na may hold over capacity ako na 3 months at ‘yun ay hanggang May. Napag-isipan at napagkaisahan din na sana hindi pwedeng mabakante ang opisina ng IPMR. Kasunod noon ay napagkasunduan din at naroon sa aming minutes na habang wala pang COA o Certificate of Affirmation ang Tribung Cuyunon na uupo sa Provincial Board ay uupuan muna ng Tribung Palaw’an at ‘yun po ay ako,” dagdag niya.

Matatandaang si BM Seguritan ay mula sa Tribong Palaw’an at pormal na nanumpa sa tungkulin bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan noong Pebrero 11, 2022.

Share3Tweet2Share1
Previous Post

Be safe, fasten your seatbelts

Next Post

NTC: More than 22M SIM cards registered as of January 18

Jane Jauhali

Jane Jauhali

Related Posts

Provincial Vet Office ng Palawan, patuloy ang serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Palaweño
Agriculture

Provincial Vet Office ng Palawan, patuloy ang serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Palaweño

January 27, 2023
PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan
City News

PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

January 27, 2023
Kasalang bayan sa Love Affair with Nature, isasagawa sa Puerto Princesa
City News

Kasalang bayan sa Love Affair with Nature, isasagawa sa Puerto Princesa

January 27, 2023
Paggunita sa araw ng pagpaslang kay Doc Gerry Ortega, nais gawing Provincial Ordinance
City News

Paggunita sa araw ng pagpaslang kay Doc Gerry Ortega, nais gawing Provincial Ordinance

January 26, 2023
Floods, rains cause more than P800-M damage to Agri sector
Environment

Floods, rains cause more than P800-M damage to Agri sector

January 26, 2023
Mga opisyales ng makakalikasan at ilang opisyales ng kapitolyo, nagpulong ukol sa lagay ng Brooke’s Point, Palawan
Environment

Mga opisyales ng makakalikasan at ilang opisyales ng kapitolyo, nagpulong ukol sa lagay ng Brooke’s Point, Palawan

January 26, 2023
Next Post
NTC: More than 22M SIM cards registered as of January 18

NTC: More than 22M SIM cards registered as of January 18

Heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan, magbibigay ng ayudang pang-imprastraktura sa bayan ng Dumaran

Heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan, magbibigay ng ayudang pang-imprastraktura sa bayan ng Dumaran

Discussion about this post

Latest News

Mahigit sa P32M mula sa Local Economic Enterprises, kinita ng Palawan nitong nakalipas na taong 2022

Mahigit sa P32M mula sa Local Economic Enterprises, kinita ng Palawan nitong nakalipas na taong 2022

January 27, 2023
Provincial Vet Office ng Palawan, patuloy ang serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Palaweño

Provincial Vet Office ng Palawan, patuloy ang serbisyo para sa mga alagang hayop ng mga Palaweño

January 27, 2023
PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

PSU School of Medicine, sinuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan

January 27, 2023
Pinakamataas sa loob ng 46 na taon ang 7.6% na paglago sa Gross Domestic Product ng bansa, ayon sa Department of Finance

Pinakamataas sa loob ng 46 na taon ang 7.6% na paglago sa Gross Domestic Product ng bansa, ayon sa Department of Finance

January 27, 2023
Kasalang bayan sa Love Affair with Nature, isasagawa sa Puerto Princesa

Kasalang bayan sa Love Affair with Nature, isasagawa sa Puerto Princesa

January 27, 2023

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14326 shares
    Share 5730 Tweet 3582
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10138 shares
    Share 4055 Tweet 2535
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9430 shares
    Share 3772 Tweet 2357
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    7696 shares
    Share 3078 Tweet 1924
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    6224 shares
    Share 2490 Tweet 1556
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us