Sumiklab ang sunog sa isang building pasado 12PM ngayong araw ng Linggo, Hulyo 9, sa Malvar Avenue, Puerto Princesa City.
Naitawag sa Bureau of Fire Protection (BFP) Puerto Princesa ang pangyayari ganap na 12:44PM kanina at na ideklara naman itong fire under control bandang 1:21PM ngayong hapon, ayon sa mga bumbero.
Samantala, ayon kay City Fire Marshal Nilo Caabay wala naman umanong nasaktan sa pangyayari, dahil wala naman umanong tao sa loob noong sumiklab ang sunog.
Ayon sa ilan sa mga nakakita, nagsimula ang sunog sa unang palapag sa isang unit ng building kung saan may ginagawang salon.
Napag-alaman din ng Palawan Daily na kasalukuyang nasa bayan ng Aborlan, Palawan ang may-ari nito.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng BFP ang dahilan ng naturang sunog at inaasahang maglalabas din ito ng ulat tungkol sa estimated cost of damage ng nangyaring sakuna.
Discussion about this post