PUERTO PRINCESA CITY – Arestado ang tatlong katao sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Kaacbayan, Barangay Tiniguiban, lungsod ng Puerto Princesa nitong 6:30 ng gabi Hunyo 24,2018, ng Police Station 2 sa pangunguna ni Police Inspector Mark Anthony Maceda.
Sa exclusibong panayam ng Palawan Daily News, sinabi ng dalawa sa tatlong nahuli na sina Julie at Mark na sila ay aminado na gumagamit ng ilegal na druga at napag-uutusan din silang mag-distribute ng mga druga sa kanilang mga kakilala.
Matatandaan kamakailan ay nahuli si Ronilo Pastoril Sa Barangay Bagong Silang at inamin nito na ang nagbibigay sa kanya ng illegal na druga si Alyas Jingjing na ang tunay na pangalan nito ay Julie Crujido Abaño, 38 anyos, at residente sa Barangay Bagong Silang.
Sa pagkahuli kay Julie ay akto rin naghihintay ang mag-ama na sina Mario Trajano, 58 anyos, at Jumar Trajano, 31 anyos, at residente sa Barangay Tiniguiban.
Nakuha sa mga ito ang tatlong plastic sachets ng pinaghihinalaang ilegal na druga, isang empty sachet, P700 ginamit sa buy-bust at dalawang mobile phones.
Ayon kay Kagawad Rey Ramos, chair ng Committee on Peace and Order, ng Barangay Tiniguiban sa kanyang pangalawang termino ito ang kauna-unahan na may nahuli na residente ng kanilang barangay,” hindi kami nagkukulang sa paalala sa mga residente dito na iwasan na at layuan ang Druga at ito ay masama at makakasira sa pamilya.”
Dagdag pa ng barangay official halos linggu-linggo sila nagpapatawag sa mga purok president na maiwasan ang ilegal na druga.
Samantala, ayon kay kagawad hindi nila alam na ito’y nasasangkot sa ilegal na druga dahil may kasama itong babae na hindi residente ng kanilang barangay.
Nanawagan ang opisyal sa kanyang nasasakupan na iwasan na ang druga at magbagong buhay.
Sa impormasyon ipinaabot ni P/Inspector Maceda, simula ng matukoy ni Ronilo Pastoril ang isa sa nagbibigay sa kanya ng ilegal na druga, ay kanila itong trinabaho upang maaresto si Julie.
Naharap sa kasong paglabag ng Republic Aact 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.
Discussion about this post