Nananawagan ngayon sa mga nais magpa-tattoo ang isang lokal na tattoo artist sa siyudad ng Puerto Princesa upang maging tulong pinansiyal sa pagpapa-ospital at gamutan ng anak ng kaibigan nito na si Shamara Valerio.
Ayon kay Michael Cristales, ang uploader ng post at siya ring tattoo artist, si Shamara ay limang taong gulang at kasalukuyang nilalabanan ang mga sakit na brain tumor at hydrocephalus sa MMG Cooperative Hospital.
Nag-anunsiyo si Cristales sa Facebook post nito na ang kanilang tattoo shop ay magbibigay ng P1,000 minimum rate sa lahat ng mga kababayan na nais magpa-tattoo.
Bukas rin ang shop sa mga tulong o donasyon para kay Shamara. Sa mga nais magbigay ng taos-pusong donasyon o tulong pinansiyal, mangyari lamang na kayo ay pumunta sa Mayumi Tattoo Shop sa harap ng barangay hall ng San Miguel.
Discussion about this post