ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

‘Ultimate World-class Beach Destination,’ tampok sa Tourism Promotional Caravan ng Puerto Princesa

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
November 16, 2020
in City News, Travel & Tourism
Reading Time: 3 mins read
A A
0
‘Ultimate World-class Beach Destination,’ tampok sa Tourism Promotional Caravan ng Puerto Princesa

Photo courtesy of Puerto Princesa City Tourism Office

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Tampok sa unang yugto ng “Tourism Promotional Caravan” ng lungsod ang tinaguriang “Ultimate World-class Beach Destination” sa southwest area ng Puerto Princesa City.

Photo courtesy of Puerto Princesa City Tourism Office

Sa temang “Go! Puerto Princesa,” sama-sama at masiglang nilahukan kahapon, Nobyembre 15, 2020, ng mga opisyales ng Pamahalaang Panlungsod, barangay, iba pang ahensiya ng pamahalaan, City Tourism Council (CTC) at ng mga grupo ng bikers at motor riders ang nasabing aktibidad may kaugnayan sa nalalapit na muling  pagbubukas ng turismo sa lungsod sa Disyembre 8. Dakong 4:00 AM ng Nobyembre 15 nang magsimula ang aktibidad sa Robinson’s Place Palawan, dumaan sa Yamang Bukid bago dumiretso sa Tagkawayan sa Brgy. Bacungan, ang host barangay.

RelatedPosts

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Pro-Hiker mula PPC, patay matapos mahulog sa Taraw Peak sa San Rafael

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

Sa ibinahaging impormasyon ng City Tourism Department, binansagan ng ganoong pagkilala ang Circuit 5 sa southwest area ng siyudad dahil sa magaganda nitong mga beach. Maliban pa rito, nasa timog-kanluran din ng lungsod ang Circuit 6 na kilala naman bilang “Leisure, Nature Adventure Theme Park.”

Sa mensahe naman ni City Councilor Matthew Mendoza, chairman ng Committee on Tourism at ng araw na iyon ay kumatawan kay Mayor Lucilo Bayron, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Caravan na aniya’y hudyat ng pagbabalik-sigla ng turismo ng lungsod kaya hiniling niya sa lahat ang kanilang pakikiisa.

“Ito po’y para sa Puerto Princesa, para na rin po sa pag-recover natin. Sana po ay patuloy ang ating pagtangkilik at suporta sa lahat ng programa ng City Government,” panawagan ni Mendoza.

SERYE NA CARAVAN

Sa  hiwalay namang panayam ng local media, ipinabatid ng konsehal na hindi pa ito ang huling aktibidad may kaugnayan sa pag-reopening ng turismo.

“Magkakaroon po tayo ng mga series of caravan, una na nga po rito ay southwest then, magkakaroon [din] po tayo sa northeast area, doon po sa may Astoria and I think ang next, doon sa may northwest naman sa may area ng Sabang para po makita rin ng lahat, na ang Puerto Princesa ay naghahanda sa muling pagbubukas ng turismo rito,” aniya.

Ipinaliwanag din ng opsiyal ang kahulugan ng napili nilang tema sa Caravan.

“Malungkot ang nangyari sa atin dito sa Puerto [Princesa] dahil sa pandemic. Lubhang naapektuhan ‘yong turismo na ‘yan ang pangunahing kabuhayan or main industry dito kaya sa ating muling pagbabalik, isigaw natin ‘Go! Puerto Princesa. Kaya natin ‘to! Babangon tayo!” ani Mendoza.

PAG-ALINLANGAN NG ILANG MAMAMAYAN

Nang tanungin naman ng Palawan Daily News sa kung ano ang komento niya sa ilang may pag-alinlangan sa reopening ay tahasang binanggit ni Mendoza na, “Normal lang mag-worry kasi kapag nag-worry ka, mas nagiging maingat ka.” Ngunit giit niya na kasabay ng kahalaaghan na maprotektahan ang sarili sa COVID-19 ay kailangan ding tulungan nang  umangat ang ekonomiya.

Aniya, marami nang taong nawalan ng trabaho at marami na ring negosyo ang mga nagsara kaya kailangan nang maging balansiyado ang lahat.

“….[K]ailangan nating mag-umpisa sa ganito kasi hindi pwedeng wala tayong gawin eh. Kailangan nating harapin ‘yong [banta ng] COVID-19; naandiyan na ‘yan hangga’t walang vaccine na nagagawa pero we really have to do something. Habang pinoprotektahan natin ang sarili natin, binubuhay natin ‘yong economy at ito ang pinakamagandang paraan to promote kasi ang ibang probinsiya, nag-open na, ang Baguio nag-open na, ang Bohol, nag-open na, kailangan tayo rin…kailangang i-follow [lang] ‘yong mga rules [under the new normal,” dagdag ni Mendoza.

“Para sa akin, napakadaling i-market ang Palawan, ang Puerto Princesa dahil for ilang years na, nag-number one tayo. Marami ang nag-rebook, na-miss nila ‘yong summer, hopefully [the next] summer, baka matuloy na [sila rito],” ayon pa sa kagawad ng lungsod.

Pagtitiyak pa niya, maraming mga COVID Marshal ang nakikita ngayon sa city proper dahil kabilang aniya sila sa mga magbabantay sa mga turista simula sa reopening para sa local touridts.

“Yong ating mga tour guide, ia-under na rin sa training as COVID Marshal—sila kasi ‘yong unang haharap sa mga bisita,” dagdag pa niya. Ayon naman sa CTD, nakatakda na silang maghanda ukol sa pagsasanay para sa mga tour guide at lahat ng nasa sektor ng turismo sa susunod na linggo.

BAKIT NAPILI ANG DEC. 8

Kinumpirma naman ni Kgd. Mendoza na pinili ang petsa ng reopening nang tanungin kung sinadya bang isabay ang pagbubukas ng turismo sa Kapistahan ng Puerto Princesa.

“Yan ang date na napili ni Mayor kasi noong nag-meeting kami, sinabi niya na ‘Napakaganda ng timing ng Dec. 8,” ani Mendoza.

“Every December, talagang naghahanda tayo. Ito ‘yong panahon na nagsasama-sama ‘yong mga pamilya. Marami tayong mga bisitang dumarating, mga relatives natin umuuwi rito kaya napakagandang timing itong December para na rin ‘yong hirap na dinanasa natin mula March, February hanggang ngayon, at itong last two months natin, mabago natin, maging masaya tayo,” aniya.

Samantala, nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ang Punong Barangay ng Bacungan na si Kapt.  Gina Valdeztamon.

“Kami po ay nagpapasalamat na nagkaroon po tayo ng pagbubukas na muli ng atin pong turismo sa kabila na medyo nanahimik po tayo pagdating sa turismo [dahil sa pandemya],” aniya.

Tags: Puerto Princesa TourismPuerto Princesa Tourism Caravan
Share105Tweet66
ADVERTISEMENT
Previous Post

Road Clearing Operation, muling ipapatupad ngayong araw

Next Post

BM Maminta, nagpahayag ng pagkadismaya sa peace and order sa lalawigan

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP
City News

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 12, 2026
City News

Pro-Hiker mula PPC, patay matapos mahulog sa Taraw Peak sa San Rafael

March 8, 2026
Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony
City News

Provincial and city leaders converge for BFP 2026 kick-off ceremony

March 5, 2026
Airport chief gunned down on Ash Wednesday ambush
City News

Nineteen days before the bullet

March 2, 2026
SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation
City News

SMNHS admin apologizes for ‘harsh’ language, denies student humiliation

March 2, 2026
Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante
City News

Granada at baril, kabilang sa mga narekober sa u-box ng motorsiklo na hinihinalang gamit ng dalawang hitmen sa pamamaslang kay Infante

March 2, 2026
Next Post
Analysis ni Casiple ukol sa suspension  ni Danao, walang basehan

BM Maminta, nagpahayag ng pagkadismaya sa peace and order sa lalawigan

IMT: Hindi pa pinapayagan ang contact sports

IMT: Hindi pa pinapayagan ang contact sports

Discussion about this post

Latest News

Strip the money and see who still files candidacy

Squatters in the boy’s club

March 13, 2026
PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

PCSD, nilinaw ang umano’y pamumutol ng kahoy para sa motocross event sa El Nido

March 13, 2026
Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

Faulty electrical wiring, nangungunang sanhi pa rin ng sunog ayon sa BFP

March 12, 2026
Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

Sama All Charity Fun Run launches with special category for persons with disabilities

March 12, 2026
INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

INC reaffirms commitment to responsible mining and regulatory compliance following Senate hearing on March 9, 2026

March 10, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15245 shares
    Share 6098 Tweet 3811
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11695 shares
    Share 4678 Tweet 2924
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10300 shares
    Share 4120 Tweet 2575
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10029 shares
    Share 4012 Tweet 2507
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9738 shares
    Share 3895 Tweet 2434
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing