Umani ng napakarami at samo’t saring reklamo ang napakaputik at sirang kalsada sa Wescom Road Barangay San Miguel hanggang Barangay San Pedro, maliban pa sa maraming bilang na ang nadulas at nadisgrasya na mga commuters dahil sa napakabagal at naaantalang pagsasaayos ng kalsada.
Sa privilege hour ng Sangguniang Panglungsod, nagpahayag si Konsehal Luis Marcaida lll, kaugnay sa napakarami nang nagrereklamo kaugnay sa kalsadang nabanggitna lalong naging kalbaryo, dulot ng pag-ulan kaya’t napakaputik at lubak-lubak na kalsada.
Sa kanyang privilege speech, tinawagan ng pansin ni Marcaida ang Department of Public Works and Highway na tawagan ng pansin ang contractor ng kalsada.
“In behalf of several people I talk to who manifested the complaint regarding ongoing project along Wescom road I am taking this privilege to get the attention of DPWH by calling the attention of contractor who presently in-charge of the constructions, because right now the condition of the road going to Wescom road is really bad. And it really affects life and they (have) everyday activities of the people living in the area,” ani Marcaida.
Maliban dito, nagpasa din si Konsehal Jimmy Lagan Carbonell ng isang resolution sa Sangguniang Panlungsod na may pamagat, “A requesting the Regional DPWH to coordinate with office of the City Mayor’s concreting the implementation of all public infrastructure project in Puerto Princesa in order to address the concerns of the general public.”
Nabatid na dalawang buwan nang nakakalipas ng mag-privilege speech si Konsehal Patrick Hagedorn patungkol sa proyekto at nailipat na sa Committee on Public Works kung saan ang chairman nito ay si Konsehal Marcaida.
Nagkaroon ng dalawang committee meetings na kung saan hindi nakadalo ang representative ng contractor at ganun din ang Project Engineer ng DPWH sa unang meeting ngunit sa pangalawang committee meeting ay nakadalo ang dalawa.
Batay sa paliwanag ng mga kinauukulan mula sa kagawaran, naantala ang pagsasaayos dulot ng pabago-bagong weather conditions kaya hindi natatapos ang pagsasaayos ng kalsada.
Sa naturang pulong ng komite, nangako na ang DPWH na susubaybayan ang pagsasaayos ng kalsada upang hindi maantala bagamat sa nagiging sitwasyon ngayon at simula ng buwagin ang kalsada mas lalong nagpahirap sa mga residente doon.
Sa huli, nagpahayag din ng siphayo si Konsehal Patrick Hagedorn sa kanyang karanasan sa kalsada “puwersyo na ho talaga dahil araw-araw akong dumadaan doon.”
Discussion about this post