Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Column

Face-to-face: Kayamanan ang kalusugan, maging ang karunungan

Enrile Abrigo Jr. by Enrile Abrigo Jr.
January 15, 2022
in Column
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Matatag na DepEd pagkatapos ng hagupit ni Odette
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Dalawang taong-panuruan nang nasa distance learning ang ating mga mag-aaral: sumasagot ng modyul, dumadalo sa online synchronous at asynchronous, o di kaya ay nanonood at nakikinig ng mga video at radio lesson. Malayo ito sa nakasanayang face-to-face (FtoF) ngunit upang maipagpatuloy ang edukasyon ay dapat makiayon kahit pa nga medyo pilit at may pasakit.

Hindi marahil batid ng marami na nagsimula na ang pilot implementation ng limited FtoF classes simula noong Nobyembre 2021 na nilahukan ng 100 piling paaralan sa buong bansa. Layunin nito ang ligtas na pagbabalik eskwela sa pakikipagtulungan ng DepEd, LGU, DOH, IATF, child experts at mga stakeholders. Samantala, sa mga unibersidad at kolehiyo ay nakatakdang simulan na sa January 31, 2022 ang FtoF classes sa mga lugar na nasa Alert Level 3.

RelatedPosts

Kids in debt before birth

Abolish the Sangguniang Kabataan

Venn Of Us: Ilonggo x Negrense

Sa pamamagitan umano ng FtoF ay mapupunan ang mga butas na nilikha ng pandemya sa larangan ng edukasyon. Ngunit pagkalipas ng dalawang taon, ang bayrus ay nananatili pa ring banta sa kalusugan habang nagsisikap ang kabataang Pilipino na magtamo ng karunungan. Isang dilemma: dapat na bang isulong ang hakbang na ito o iurong muna habang akyat-baba ang kaso at pabago-bago ang anyo ng COVID-19?

ADVERTISEMENT

Magkaiba ang opinyon ng magkaklaseng sina Mark Herman at Justine Pamintuan, estudyante sa Grade 11, at kasalukuyang nagmo-modular printed bilang modality.

“Kahit natatakot na magkasakit ay gusto ko pa rin ng Face-to-Face dahil mas natututo kung may guro na tututok sa’yo,” wika ni Mark.  Dagdag pa niya, naniniwala siya sa proteksyon ng bakuna kung kaya ay naging maagap siyang nagpabakuna bilang paghahanda kung sakaling mayroon nang FtoF ang kanilang paaralan ay gusto umano niyang makasali kaagad.

Iba naman ang dahilan ni Justine, “Okey na ang printed module kasi nagwoworking ako. Kaya namang pagsabayin ang trabaho at module.” Sabi pa niya, kailangan na niyang magtrabaho dahil ramdam nya ang hirap ng buhay dulot ng pandemya. Sa gulang na 19 ay nagtatrabaho siya bilang construction worker.

Kung ang graduating college student na si Lovely Gonzales ang tatanungin, gusto na niyang magkaroon ng FtoF bilang paghahanda na rin sa pre-board examination. Ngunit maaari naman munang ipagpaliban ito dahil sa banta ng bagong variant ng Omicron. Hiling pa niya na sana ay maging maayos ang sistema ng unibersidad kung tuluyan nang magbubukas ito sa susunod na semestre.

Maging ang mga guro ay may iba’t ibang reaksyon at konsiderasyon hinggil sa usapin. Isa na rito si Ma’am Eva O. Ramos, guro sa elementarya. Ayon sa kanya, nagdadalawang-isip siyang sumabak sa balik-eskwela dahil siya mismo ay naging positibo sa COVID-19 na tila hindi talaga maiiwasan at ayaw niyang siya ang dahilan para mahawaan ang kanyang mga mag-aaral.

Samantala, ayon sa isang propesor sa isang unibersidad sa Palawan, “hindi pa lubusang handa” ang kanilang paaralan. Marami pa umanong dapat isaalang-alang na hindi pa naisasaayos tulad ng sheduling scheme, set-up ng mga klasrum, at pagbabalik ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang munisipyo. Bagaman naniniwala siyang mahalaga na makabalik na sa paaralan ang mga mag-aaral lalo na sa kolehiyo dahil mas makahulugan ang pagkatuto kung aktwal itong naisasagawa ngunit magiging balewala kung sa kanilang pagbabalik ay magulong polisiya at implementasyon ang kanilang madadatnan.

Mayroong panuntunan ang DepEd at CHEd ukol sa implementasyon ng FtoF. Malinaw sa guidelines ng DepEd na ang paglahok sa dito ay boluntaryo at mananatili pa rin ang blended learning modality. Gayundin, iginiit ng CHEd na ang pagbabalik eskwela sa mga kolehiyo ay nakadepende pa rin sa mga sitwasyon sa lugar na may pagsaalang-alang sa tindi ng kaso ng COVID-19.

Hindi maitatanggi ang pagkaantala sa edukasyon dulot ng COVID-19, ang naging paunang solusyon dito ay pagpapatuloy sa pag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang modality na pwedeng pagpilian ng mga estudyante. Ngunit ang mismong solusyon ay hindi perpekto at kulang pa kung kaya’t inilapag ang face-to-face bilang karagdagang hakbang tungo sa pagbabalik normal. Ang FtoF ay magbibigay ng kumpyansya sa mga mag-aaral na maitanong ang mga aralin na di naunawaan, matamasa ang mga konsepto ng libro na may linaw at talino, at maipamalas ang resulta ng kanilang pagkatuto nang may husay at galing.

Kung tutuusin, mahaba na ang dalawang school year na walang FtoF, at ang Pilipinas ay isa sa mga nasa huli sa buong mundo sa pagbubukas muli ng mga paaralan para sa pagpasok ng mga estudyante. Kung iuurong pa ang simulaing ito, tiyak ito ay magdudulot ng krisis sa edukasyon na ang lubos na maaapektuhan ay mismong mga mag-aaral at kanilang kinabukasan. Lugi sa karunungan at oportunidad, dehado ang Kabataang si Juan. Mas makatotohanan pang tuluyang mawala ang bayrus pagkatapos ng maraming taon, ngunit ang dulot nitong mga lamat sa edukasyon ay magkakaroon ng pangmatagalang epekto sa mga mag-aaral. Kung magkakaganito nga, magiging konswelo na lamang ba na sila ay nakapagtapos sa pag-aaral kahit pa nga hindi lubos ang pagkatuto, resulta’y kapos sa kaalaman at kasanayan?

Ang sitwasyon natin sa kasalukuyan ay hindi lamang krisis sa kalusugan, apektado rin nito ang edukasyon — ang kabataan. Ang FtoF ay isang solusyon ngunit dapat itong ituring na transisyon tungo sa makabuluhang pagkatuto nang hindi nababalewala ang kaligtasan ng lahat. Tunay na kayamanan ang kalusugan, maging ang karunungan.

Share161Tweet101
ADVERTISEMENT
Previous Post

Palawan government inaugurates 1st Molecular Lab for RT-PCR testing

Next Post

Pagbakuna sa mga batang nasa edad 5-11 anyos umpisa na sa Pebrero, mga magulang hati ang desisyon

Enrile Abrigo Jr.

Enrile Abrigo Jr.

Related Posts

Strip the money and see who still files candidacy
Column

Kids in debt before birth

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Abolish the Sangguniang Kabataan

October 18, 2025
Venn Of Us: Ilonggo x Negrense
Column

Venn Of Us: Ilonggo x Negrense

October 17, 2025
Strip the money and see who still files candidacy
Column

The banquet of power

September 24, 2025
Japanese-made flood control project
Column

An impressive Japanese-made flood control structure

September 4, 2025
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Strip the money and see who still files candidacy

August 21, 2025
Next Post
Pagbakuna sa mga batang nasa edad 5-11 anyos umpisa na sa Pebrero, mga magulang hati ang desisyon

Pagbakuna sa mga batang nasa edad 5-11 anyos umpisa na sa Pebrero, mga magulang hati ang desisyon

Palawan and Puerto Princesa should build back better

Palawan and Puerto Princesa should build back better

Discussion about this post

Latest News

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy

Kids in debt before birth

November 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15190 shares
    Share 6076 Tweet 3798
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11590 shares
    Share 4636 Tweet 2898
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10293 shares
    Share 4117 Tweet 2573
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9712 shares
    Share 3884 Tweet 2428
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9706 shares
    Share 3882 Tweet 2427
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing