ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Column

“Hahayo o Ipaglalayo-layo?!”

Joshua Buenaventura by Joshua Buenaventura
July 10, 2020
in Column, Opinion
Reading Time: 2 mins read
A A
0
“Hahayo o Ipaglalayo-layo?!”
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kung ang buhay may mapa ano kaya ang itsura niya? Kung ang mga “hidden treasure” nga may “treasure map” na kasama, ano kaya sa buhay natin ang pwedeng tignan kung paano mararating ang tagumpay at kapahingahang inaasam-asam? Pero bago maghanap ng treasure map o abutin ang pangarap, ang magandang tanong ay “Ano nga ba ang ating inaasam?” Sa bagay na iyan nagkakaiba-iba na tayo ng sukatan; iyong iba payak na buhay okay na at kuntento na, sa iba naman tugatog at rurok ng tagumpay ang ipagbubuwis lahat kasama na ang buhay, samantala may iba rin na sapat na ang saktong pamumuhay. Sa buhay na ito, ano nga ba ang hanap mo!?

Noong narito sa lupa si Jesukristo ang sinabi niya; “Sapagkat ako na Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naliligaw.”” (Lk 19:10 ASND). Sa Mateo 18:11 ang parehas na linyang ito pinagitnaan ng dalawang halimbawa na nagpapakita kung ano ang mahalaga sa puso ng Diyos: 1. Ang mga bata na may mga Anghel na tagapagbantay na nasa harapan mismo ng Diyos Ama at, 2. Ang isang pastol na iiwanan ang siyamnaput siyam na tupa para hanapin ang isang nawawala. Binibigyan nito ng diin ang mga katagang isinulat sa John 3:16 na nagsasabing, ““Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kung hindi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

RelatedPosts

Health is Wealth?

New Beginnings (Again)

The Power of Intentionally Slowing Down

Ganoon tayo kahalaga sa mata ng Diyos. Ikaw, ako, tayo ay ang totoong “treasure” na handa niyang ibuwis ang lahat kasama na ng buhay ng kanyang anak mapalapit ka lang – ako, tayo sa Kaniya.    “Kaya puntahan ninyo ang lahat ng mga lahi at gawin silang mga tagasunod ko. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. At tandaan ninyo: lagi ninyo akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo.”” (Mateo 28:19-20 ASND)

Sa Acts 8 makikita natin na “nagkawatak-watak ang mga mananampalataya sa buong lalawigan ng Judea at Samaria” (8:2). Kung babasahin ang kwento ni Felipe mula verse 4 hanggang 8 makikitang maraming nakinabang sa pagkakalayo-layo ng mga disipulo ni Kristo. Marami ang napagaling, nabiyayaan ng kapahingahan at napalaya kahit sa kapangyarihan ng mga demonyo kasama na mga nakalakad na mga paralitiko. Kung tutuusin marami ang nakinabang sa paghihirap ng mga nananampalataya na nagbunga ng maraming himala.

Kung ganoon kahalaga ang tao sa puso ng Diyos na isinugo niya ang anak niya sa kasalanan natin ay binayaran at tayo tinubos, Hindi ba dapat tayong humayo  katulad ng mandato ni Jesu-Cristo sa Mateo 28:18-20, Aantayin pa ba natin na tayo ay usigin at paglayo-layuin para ang mga tao sa paligid ay maambunan ng kagalingan, kapahingahan at kaligtasan!? Hahayo ba tayo ng likas sa ating puso o aantayin nating usigin pa tayo at ipaglayo-layo?!? Muli ang pasya ay nasa sa atin kung ang mundo ay mapagpapala sa buhay at himala ng Diyos na nasa sa atin.

Tags: #THOUGHBUBBLE
Share56Tweet35
ADVERTISEMENT
Previous Post

2 patay, 3 sugatan, sa banggaan sa motorsiklo sa Brooke’s Point

Next Post

Pagsakay ng mag-asawa sa motorsiklo, pinapayagan na pero may kondisyon

Joshua Buenaventura

Joshua Buenaventura

Related Posts

New Beginnings (Again)
Column

Health is Wealth?

August 25, 2026
New Beginnings (Again)
Column

New Beginnings (Again)

August 18, 2026
Column

The Power of Intentionally Slowing Down

July 19, 2026
Column

Why Words Matter: The Psychology Behind the Phrase ‘Trans Women Are Women’

July 19, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Due process for the damned

April 15, 2026
Strip the money and see who still files candidacy
Column

Bravisimo, director

April 10, 2026
Next Post
Pagsakay ng mag-asawa sa motorsiklo, pinapayagan na pero may kondisyon

Pagsakay ng mag-asawa sa motorsiklo, pinapayagan na pero may kondisyon

Philippine Air Force opens songwriting contest

Philippine Air Force opens songwriting contest

Discussion about this post

Latest News

New Beginnings (Again)

Health is Wealth?

August 25, 2026
SM City Puerto Princesa Launches EV Charging Station, Expanding Access to Sustainable Mobility in Palawan

SM City Puerto Princesa Launches EV Charging Station, Expanding Access to Sustainable Mobility in Palawan

August 18, 2026
RTN, DepEd Bataraza push for literacy program for grade school learners

RTN, DepEd Bataraza push for literacy program for grade school learners

August 18, 2026
Solar power and crop support reach Bataraza indigenous families

Solar power and crop support reach Bataraza indigenous families

August 18, 2026
New Beginnings (Again)

New Beginnings (Again)

August 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15280 shares
    Share 6112 Tweet 3820
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11794 shares
    Share 4718 Tweet 2949
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10304 shares
    Share 4122 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10221 shares
    Share 4088 Tweet 2555
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9760 shares
    Share 3904 Tweet 2440
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing