Nabalahaw sa gilid ng runway ng Cuyo Airport sa Barangay Lucbuan, Magsaysay, Palawan, ang isang chartered aircraft kahapon ng umaga, Agosto 29, bandang alas-otso.
Ayon sa ibinahaging impormasyon at larawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mimaropa Magsaysay Fire Station sa kanilang opisyal na social media account, papalipad na sana ang eroplano nang lumubog ang likurang kaliwang gulong nito sa malambot na lupa sa gilid ng runway.
“Ang likurang kaliwang gulong ng sasakyang panghimpapawid ay lumubog sa malambot na bahagi ng gilid ng nasabing runway, dahilan upang ito’y hindi makagalaw,” saad sa post ng BFP Mimaropa Magsaysay FS.


Ayon pa sa BFP, matapos mainspeksyon ang apektadong gulong ng eroplano at maging ang pasahero ay agad din itong nakalipad.