Arestado ng Balabac PNP ang isang negosyante sa Barangay Salang, Balabac, Palawan kahapon, November 12, 2020, matapos ikasa ang isang anti-drug operation.
Kinilala ang suspek na si Haji Sam “Hji Sam” E. Albab, may asawa, 45 taong gulang, at residente ng Sitio Marabon, Brgy. Bancalaan, Balabac, Palawan.
Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 2:25 pm kahapon, Nov. 12, matapos makipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Balabac Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek. Ito ay matapos na nagawang makabili ng nagpanggap na buyer ng isang sachet na naglalaman ng puting pulbos na pinaniniwalaang shabu.
Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang isang P500, isang kulay rosas na heat sealed transparent plastic drinking straw na naglalaman ng pulbos na pinaniniwalaang shabu, isang gamit ng kulay itim at silver na aluminum foil, isang nakatuping aluminum foil. at isa pang pakete na naglalaman din ng pinaghihinalaang shabu.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Balabac MPS ang naarestong suspek at ang mga nakuhang aytem para sa proper disposition.
Inihahanda na rin ngayon ng mga kinauukulan ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa nahuling indibidwal upang ihain sa Palawan Provincial Prosecution Office sa pamamagitan ng inquest proceedings.
Discussion about this post