Pinasimulan ang 3-day meetings and group discussion hanggang ika -6 ng Oktubre sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo ng mga tauhan ng Department of Energy sa mga stakeholders nito sa Palawan upang matasa ang update sa monitoring ng mga polisiya, regulasyon, proteksyon para sa mga consumers at environmental and safety requirements na ipinatutupad sa mga establisyimento.
Bilang unang araw ng talakayan, nakatuon ito sa mga rules and regulations para sa downstream oil industry, na dinaluhan ng mga kawani ng Business Permit and Licensing Offices (BPLO) ng bawat lokal na tanggapan sa bawat bayan ng Palawan at siyudad ng Puerto Princesa.
Sa araw ng bukas, ika-5 ng Oktubre ito naman ay dadaluhan ng mga kawani ng bawat munisipyo upang talakayin ang may kaugnayan sa measurement at calibrations para mailapat ng wasto ang mga bagay ukol sa under delivery at under filling ng liquid fuel at ng mga LPG establishments, kaakibat na aktibidad ang pagsasagawa ng conference with LF and LPG Establishments sa Palawan upang talakayin ang ukol sa reponsibilidad .
Sa huling araw, yaong mga alituntunin at regulasyon para sa downstream oil industry ang pinakapuntong topiko ng talakayan.
Inaasahang sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ng Department of Energy (DOE) at sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ay maisasaayos at mabibigyan ng solusyon ang mga naitalang paglabag o bayolasyon sa isinagawang monitoring sa standard compliance ng nga negosyante ng langis sa lalawigan at maging sa lungsod.
Discussion about this post