Tiniyak ng pamunuan ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) na walang magaganap na malawakang blackout sa pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay Engr. Rogelio Baylon ng Technical Services Department, walang power interruption na malakihang magaganap ngayong kapaskuhan, sakali mang magkaroon, ito ay ang mga unscheduled dahil sa line fault, nguni’t mabilis naman itong maisasaayos.
Sinabi ni Baylon, “tiyak na ang new year celebration ay walang power interruption na malawakang mangyayari, sakaling magkaroon,mabilis naman itong maibabalik,bukod pa sa walang napipintong load shedding schedule ngayon.”
Sa istratehiya ng PALECO, upang hindi maranasan ang pagkawala ng kuryente hindi muna pinayagan na mag operate ang National Power Corporation (Napocor) ng Paleco, samantalang isa lang ang naka-schedule na maintenance activity ng Napocor, na natapos na nitong ika-10 hanggang 11 ng Disyembre.
Sinabi naman ni Engr. Rez Contrivida, General Manager, dalawang beses na humiling ang National Power Corporation para sa kanilang scheduled maintenance activities nguni’t isa lanag ang binigyang pahintulot ng kanyang pamunuan upang ganap na maging masigla at makulay ang pasko at bagong taon ng mga member- consumer-owners ng kooperatiba.
“So far yung request ng ating National Power Corporation two times yun nag request pero dinis-approved ko yung isa kasi that will give way para magkaroon muna tayo ng tuloy-tuloy na power supply so yung pinayagan natin last December 10,11 and then the rest ay sa January na ulit ang maintenance ng transmission line to Irawan to Paleco substation,” pahayag ni Engr. Contrivida.
Napag-alaman na ang linya sa Irawan ay nag iisa lang na gumagana o ginagamit sa lungsod ng Puerto Princesa at plano ng Paleco na sa 2023 ay magkaroon ng dagdag na linya upang sakaling mayroong maintenance activities ang NPC ay mayroong magagamit at maiwasan ang brownout.
Sinabi ni Contrivida, “sa January na ulit ang kanilang next request for a maintenance ng transmission line to Irawan to Paleco substation kasi yang linya na yan is the only line na ginagamit natin dito sa Puerto Princesa and we are planning first quarter of this na magkaroon ng another line para pagnagtrabaho ang NPC we have another line to used para maiwasan ang mahabang brownout kasabay na ito ay rotating bawat sirkito.”
Discussion about this post