Minsan pang pinatunayan ng mga miyembro ng Alpha Phi Omega International Service Fraternity and Sorority ang kanilang nagkakaisang serbisyo para sa kumonidad.
Ito ay kaugnay sa Synchronized International Coastal Clean Up Drive and activity na kanilang idinaos nitong nakalipas na unang araw ng Oktubre.
Tampok sa gawain ang lahat ng mga chapters at alumini associations ng APO sa buong bansa, na kung saan ay bago pa man pumutok ang araw, halos iisang taong kumilos ang lahat patungo sa mga dalampasigan ang mga ito, kung saan sila nakatoka upang magsagawa ng masinsinang paglilinis at paghahakot ng basura.
Bukod sa prinsipyong “be a leader “sa lahat ng anggulo ng buhay ng isang mamamayan, at paghubog sa ugaling pagiging palakaibigan o “be of friend”, isa sa tatlong prinsipyo ng Alpha Phi Omega na sa tuwina ay kanilang isinasagawa ang “ be of service” sa lahat ng oras, sa abot ng makakaya.
Sa ganitong punto, ang Palawan Daily News at Petrosphere Incorporated ay palagiang sumusuporta sa mga kahalintulad na gawain ng kapatirang naturan.
Nilalayon ng kolaborasyon ng PDN bilang regional newspaper ay upang maiparating sa iba pang mga mamamayan ng bansa, na napapanahon ang mga ganitong aktibidad upang maipakita ang pagmamahal sa kalikasan at mapanumpabilk ang luntiang kapaligiran kahit sa maliit na kaparaanan.
Samantalang ang Petrosphere Incorporated ay nakikiisa din sa mga aktibidad ng kapatiran upang maipagpatuloy ang mga responsibilidad na kailangan ng sosyedad at manawa’y matularan ng mga susunod pang henerasyon.
Discussion about this post