Kasabay ng paglulunsad ng Save Palawan’s Forest, mariing humihiling at nanawagan ang grupo ng mga katutubo sa pamahalaang nasyunal na marinig at mabilis silang matulungan na tuluyan nang mapaghinto ang pagmimina sa lalawigan.
Ipinahayag ni Atty. Grizelda Mayo- Anda ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC), ang gobyerno na nagbibigay pahintulot upang makapasok ang minahan sa kabila ng nasasaad sa Executive Order 192, na nagsasaad ng mandato na pangalagaan ang kagubatan.
Bukod pa sa isinasaad ng RA 11038 ENIPAS Law o Expanded National Integrated Protected Areas System, na nagsasabing lahat ng pinapangalagaang lugar na core zone ay ipinagbabawal ang pagmimina at taliwas ito sa reyalidad na nasa loob ng Macro Asia ang Barangay Ipilan na nakasasakop sa Mount Mantalingahan.
Maliban dito, hindi rin nabigyang paggalang ang Comprehensive Land Used Plan ng Brooke’s Point dahil walang itinakdang mineral zone doon.
Sinabi nitong sa panig ng National Commission for Indigenous People o NCIP-Palawan, mayroong nakakarating sa kanila na nagkakahati-hati na ang grupo ng mga katutubo kung kaya’t nawala na ang tradisyunal na paggalang ng mga ito sa kanilang mga nakaugaliang batas na pagtalima.
Ayon kay Atty. Anda, “may mga reklamo sa NCIP na nagkakahati-hati na ang kanilang grupo dahil sa isyung pagmimina.”
Samantala, sinabi ni Atty. Jean Feliciano, Vice Mayor ng Brooke’s Point Palawan, dapat tumupad sa batas ang PCSD hinggil sa implementasyon ng SEP Law o Strategic Environmental Plan na siyang pangunahing nagbibigay proteksyon sa kalikasan at natural forest.
Diretsahang sinabi ni Vice Mayor Feliciano na “Sa Brooke’s Point hindi lang yung mga kabundukan ang sinisira sa kasalukuyan, hindi lang mga puno ang pinagpuputol ngayon pati po mga mangrove. Pansin namin, sabi po niyo (PSCD) dapat kayo ang manguna kayo dapat muna bago ang PSCD clearance or SEP clearance, kaya papaano niyo po kami mapapasunod sa batas kung kayo mismo mukhang nakalimutan niyo nang tumupad o (ipatupad) ang batas.Ang mandato po ninyo ay ipatupadn yung batas (ang) SEP Law para sa Palawan dapat ay lumalawak pa ang ating mga kabundukan, ang ating mga kakahuyan, pagmasdan niyo din po kung ito ay nagiging matagumpay ba ang PCSD sa kampanya na mapalawak pa ang forest ng ating lalawigan.”
Maging ang NCIP ay hindi rin nakaligtas sa Bise Alkalde dahil napuna rin nito ang ginagawang pangtatanggol sa minahan ng mga grupo ng katutubo.
Sinabi ni Feliciano, “Sa NCIP po mandato ninyo ay ipagtanggol ang karapatan ng mga katutubo. Pero nararamdam po namin na sa halip na kayo ay taga- pagtanggol ng mga katutubo kayo pa po ang nagiging taga-pagtanggol ng mga minahan.”
Bagama’t nilinaw din nito na hindi sya tumututol sa pagmimina ngunit dapat nasa tamang lugar at hindi sa Palawan.
Idinagdag pa ni Feliciano, “Nalulungkot ako dahil kung sa Norte ng Palawan ay forest station sa South naman hindi lang forest station kasunod obstruction, sabi mo mabuti na yung magkaingin kasi kaya pa ulit taniman ng punong kahoy.”
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan sa pamahalaang nasyunal ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) sa pamamagitan ng Save Palawan Movement dahil sa mahigit na 20 taong mayroong minahan sa Southern Palawan nguni’t kahit minsan hindi ito dumaan sa rehabilitasyon bagkus ay patuloy ang pagsalaula sa kalikasan.
Narito ang magkakasunod na pahayag ng mga kinatawan ng mga katutubong kasapi ng Save Palawan Movement.
Sinabi ni Myrna Reño,”nanawagan kami sa mga ahensya ng gobyerno na g bigyan g ng pansin at karapatan ang mga katutubo sa pagbigay proteksyon ng aming lupa at kultura, sana matulungan kami sa nararapat na para sa amin.”
“Sana tuparin ng din ng mga kinauukulan ng DENR at PCSD ang kanilang mandato. Kaya nga hindi ginagalaw ang mga protected area kasi sagrado na ito at para may maabutan pa ang susunod na salinlahi. Dapat patunayan ng gobyerno na may batas pa, may pantay-pantay na pananaw,” ito naman ang naging pahayag ni Nelson Sombra ng IP representative ng SPM.
Ayon pa kay Sombra sa taong 2020,mahigit 300 hectares ng lupain sa Palawan ang sumailalim na sa mina, na pawangmga mahihirap ang lumalanghap ng toxic, waste, pollution at resource depletion.
“Hindi po kami anti-development – pero sana wag ikompetensya ang kalikasan sa pag-unlad ng teknolohiya ngayon,hindi namin makakain yan! Katutubo ang nawawalan ng mayabong na gubat, wala nang lupang ninuno, wala nang mga ritwal, wala nang mga halamang gamut,nasa kalikasan lang ang pag-asa ng katutubo,” dagdag ni Sombra.
“Hindi naman po utang na loob yun kundi obligasyon ng mga minahan sa amin ang mga nakasaad sa PMSA. 2010 pa nagsimula ang operasyon pero hanggang ngayon hindi nila maibigay ang royalty. Ang mga scholar nila na iilan lang. Ang natatanggap mula sa kanila, hindi na nga nila maibigay ang nararapat na indemnisasyon at serbisyong ipinangako para sa komunidad, tapos ngayon pinapayagan ng gobyernong mag-expand at mag-extend ang kanilang paninira sa kagubatan,” pahayag naman ni kagawad Rainier Malacad.
Maging ang representative mula sa agriculture sector ng IP naglabas din ng hinaing. Ayon kay Joel Luagna, binigyan sila ng pangkabuhayan ng gobyerno na tulad nilang magsasaka at mangingisda ngunit ang gobyerno rin umano ang nagbibigay ng permit sa mina.
“Hindi narin kami malaya makapangisda. Ngayon may danger zone na bawal ng lumapit sa pier. Isinisisi nila sa amin na overfishing daw kaya naubos ang Isda, pero sa totoo lang lahat ng silt at toxic mula sa operasyon na nirerelease sa dagat ang dahilan ng pagkaubos ng Isda.”
Kaya naman nanawagan ito sa pamahalang nasyunal na matulungan sila sa kanilang ipinaglalaban dahil bahagi din sila ng proseso ng demokrasya, at lnawa’y tuparin ng pamahalaan ang kanilang mandato at isa buhay ang batas.
Discussion about this post