ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home News

DSWD, DOT AT DPWH l, sama-sama sa pagkilos para sa mga naapektuhan ng Bagyo

Claire S. Herrera-Guludah by Claire S. Herrera-Guludah
November 2, 2022
in News
Reading Time: 2 mins read
A A
0
DSWD, DOT AT DPWH l, sama-sama sa pagkilos para sa mga naapektuhan ng Bagyo

Photo Credits to DPWH, DSWD,DOT

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Nagkakaisa at sama-samang kumikilos ngayon ang halos lahat ng sangay ng pamahalaan upang maghatid ng tulong at ayuda sa mga apektado ng nakalipas na bagyo.

 

RelatedPosts

PNP vows justice for men slain in bulacan operation

Petrosphere Incorporated now an approved IOSH Training Provider

PCG: Half of industrial fuel oil from sunken tanker already contained

Mahigpit na ipinag-utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief packs. sa oras ng kalamidad at emergencies.

 

Napag-alaman kasi ng Punong Ehekutibo na ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap na ng mga over-the-counter na gamot tulad ng paracetamol at anti-diarrhea medicines.

 

Bilang mabilis na disposisyon, iniutos ni Pangulong Marcos kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na mauna nang magpadala ng non-prescribed medicines sa mga sinalanta ng Bagyong Paeng kasabay ng gagawing pakikipagtulungan ng pamahalaan sa military doctors at medical workers para mabilis ang pamimigay ng gamot.

 

Nakatakda ding makipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga malalaking drug companies para makabili ng murang gamot na ilalaan sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

 

Hinggil naman sa mga propedad, at iba pang istruktura na nawasak ng nakalipas na bagyo, hindi magbibigay ng construction materials sa mga apektadong pamilya ng Bagyong Paeng ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapagawa ng kanilang nasirang bahay.

 

Inanunsyo ito ni Pangulong Marcos Jr. kasabay ng pahayag na ipinag-utos  na niya kay Sec. Tulfo na mamimigay na lang ng P5,000 hanggang P10,000 na cash assistance para mismo ang mga apektadong pamilya ang pipili ng kanilang gustong construction materials at kung papaano ang gusto nilang gawin o pagkukumpuni para sa kanilang bahay.

 

Ipinaabot naman ng Department of Tourism (DOT)  nakauwi  na ang mga  lokal at dayuhang  naistranded dahil sa Bagyong Paeng na nagmula sa Puerto Galera at Marinduque, matapos sinuspendi ng Philippine Coast Guard ang sea travel.

 

Bukod dito may ilan ding mga tourism establishment ang nasira dahil sa bagyo , kabilang na ang mga cottages sa Basiao Beach, Ivisan, Capiz, Laylay Port at Battle of Paye Historic Shrine sa Boac.

 

Magiging prayoridad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa mga nasirang tulay sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nasalanta ng Bagyong Paeng.

 

Batay naman sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa P760.4 milyon ang halaga ng nasirang imprastraktura.

 

Ipinahayag ni DPWH Sec. Manuel Bonoan na mailalabas nila ngayong araw ang posibleng halagang kakailangan para sa pagsasaayos sa mga tulay.

 

Ito ay kasabay ng pagtiyak ng Pangulong Marcos Jr. na mailalabas kaagad ang pondo para mapabilis na maibalik ang mga nasirang tulay at iba pang nasirang istruktura.

 

Ayon kay Sec. Bonoan, babaguhin nila ang mga design parameters dahil sa pabago-bagong panahon at kanilang isusulong ang infrastructure development program para sa economic recovery.

Share23Tweet14
ADVERTISEMENT
Previous Post

‘Save Palawan’s Forest’ campaign launch, matagumpay na nailunsad

Next Post

DPWH District 1 ng Palawan, abala sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong “Paeng”

Claire S. Herrera-Guludah

Claire S. Herrera-Guludah

Related Posts

PNP vows justice for men slain in bulacan operation
News

PNP vows justice for men slain in bulacan operation

March 14, 2025
IOSH Managing Safely
News

Petrosphere Incorporated now an approved IOSH Training Provider

April 23, 2023
PCG: Half of industrial fuel oil from sunken tanker already contained
News

PCG: Half of industrial fuel oil from sunken tanker already contained

March 29, 2023
Palawan legislature seeks PBBM approval to declare August 25 as a special non-working holiday in the province
News

Mistulang elikula: suspek, arestado matapos akitin ng biyuda ng lalaking pinatay niya

March 29, 2023
Koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan at media, mas paiigtingin ayon sa USAID
News

Gcash unveils “DoubleSafe” to prevent fraudsters

March 17, 2023
PAMAS, kinumpirma ang regular maintenance sa ‘Yellow Bee,’ huling inspeksiyon at metal fatigue test, hindi tinukoy
News

PAMAS, kinumpirma ang regular maintenance sa ‘Yellow Bee,’ huling inspeksiyon at metal fatigue test, hindi tinukoy

March 8, 2023
Next Post
DPWH District 1 ng Palawan, abala sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong “Paeng”

DPWH District 1 ng Palawan, abala sa rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong “Paeng”

National Domestic Violence Awareness Month looking into PTSD

National Domestic Violence Awareness Month looking into PTSD

Discussion about this post

Latest News

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

CBNC, MGB, LDRRMO, BFP partner to boost Palawan disaster response on hazardous materials

October 13, 2026
GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

GCash, nakakatulong umano sa mga Pinoy na makatipid sa gitna ng inflation ayon sa isang financial advocate

October 13, 2026
CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

CBNC, Bataraza LGU discuss turnover plan for Pineapple Park & Museum

October 10, 2026
PPCPO walang naitalang insidente sa araw ng halalan

Civil service for workers, elections for bosses

October 9, 2026
Senate backs social media restrictions for children under 18

Senate backs social media restrictions for children under 18

October 9, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15299 shares
    Share 6120 Tweet 3825
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11858 shares
    Share 4743 Tweet 2965
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10364 shares
    Share 4146 Tweet 2591
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10309 shares
    Share 4124 Tweet 2577
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9773 shares
    Share 3909 Tweet 2443
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing