Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho ng Petrosphere Incorporated at Palawan Daily News, sa ilalim ng Alpha Eight Publishing, matagumpay itong nakiisa sa community service na clean up and beautification project ng kapatirang Alpha Phi Omega International Service Fraternity and Sorority, Incorporated.
Ang clean up and beautification activity ay inilunsad ng APO sa overpass project na naisakatuparan sa pamamagitan ng resulosyong ipinasa noon sa kongreso ng dating mambabatas na si Congressman Gil P. Acosta, Sr. at pinondohan naman noong panahon ng dating Congressman Gil A. Acosta, Jr.
Matapos maobserbahan na tila, hindi namamantina ang kalinisan at kaayusan sa paligid at kabuuang overpass ng barangay, kagya’t na nakipag – ugnayan ang Alpha Phi Omega – Salipawpao Alumni Association sa Department of Public Works and Highways na siyang nagtayo ng proyekto, at sa pamunuan ng barangay San Miguel upang gawing regular na aktibidad ng kapatiran ang paglilinis at pagsasaayos ng paligid ng overpass bilang bahagi na rin ng kanilang adhikain na serbisyo sa komunidad.
Kaugnay nito, bilang buwanang pagsasakatuparan din ng corporate social responsibility ng Petrosphere at Palawan Daily News, nakibahagi ito sa paglilinis na inilunsad nitong nakalipas na ika-10 ng Hulyo.
Inaasahan na magiging regular na ang gawaing pagmamantina, gayundin ang pakikipagtulungan ng Petrosphere at Palawan Daily News, na minsan pang napatunayan na ang pagkakaisa ay nagreresulta ng maayos at ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kahalintulad na istrukturang overpass sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa susunod na mga paglilinis na kaagapay pa rin ang Petrosphere at Palawan Daily News ay isusulong naman ng Kappa Xi Chapter, Frank Reed Horton Society, APO Lawman, Kappa Nu, at Apo Capitol batay sa pagkakasunod na susundan ng iba pang mga Alumni Association ng APO.
Discussion about this post