Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang mga kuha sa ibin na kanilang tinawag na “Ibong Adarna” sa Semirara Island, Antique.
Karaniwang nakikita ang species ng ibon na ito na tinatawag na Golden Pheasant sa bulubunduking bahagi ng Western China at bihirang masilayan sa Pilipinas.
“In my 27 years of experience, this is the first time I saw this bird called “Ibong Adarna” with my own eyes,” saad sa Facebook post ng uploader na si Richard Go.
Ang Ibong Adarna ay matalinhagang ibin na naisulat sa libro. Ayon sa kwento, sa pamamagitan ng kanyang awit ito ay may katangiang magpagaling ng anumang karamdaman sa sinumang makakarinig nito. Ito ay nagpapahinga sa punong pilak na dahon kung sumasapit ang hatinggabi.
Umaawit ang ibong adarna ng pitong beses at sa bawat awit nito ay nagiiba ang anyo ng kanyang balahibo.
Ang nakakarinig ng kanyang awit ay sapilitang nakakatulog sa ika pitong pag awit na ginagawa ng ibon. Pagkatapos ng pitong awit ay dumudumi ang Ibong Adarna bago matulog at kung sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato.
Discussion about this post