Nasa pangangalaga na ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang isang Crested Goshawk matapos i-surrender sa mga awtoridad ng residenteng si Maria Fe A. Ocampo, ng Brgy. Punta Baja Rizal, Palawan, ngayong araw, Hunyo 26.
Una niya itong inilapit sa Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) Rizal, Palawan at kinalaunan ay nai-turn over sa PCSDS para sa tamang disposisyon at wastong pangangalaga.
Nagpapasalamat naman ang MENRO Rizal Palawan kay Ocampo sa kaniya responsableng hakbang para iligtas ang naturang buhay-ilang.