Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Feature

Pagpaparamdam

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
November 2, 2019
in Feature, Undas
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Pagpaparamdam

Larawan mula sa Creepypasta Wiki

Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Lumaki kami sa isang pamilyang naniniwala sa ilang kaugalian at pamahiin na sinusunod namin sa mga partikular na panahon kagaya ng Undas, Pasko, kasal, binyag, kapag may nagkakasakit sa pamilya, pagpapagawa ng bahay o kung may yumaong mahal sa buhay.

At sa mga nabanggit, marahil likas na rin sa mga Bisaya o ng mga Pilipino sa kabuuan na kakambal sa mga aspetong nabanggit ang pagkamaka-Diyos, ang pagiging relihiyoso na tangan-tangan nila saang panig man sila ng bansa manirahan. Kagaya ng pamilya naming mula sa kabisayaan ay napadpad ng Palawan, o mas akmang sabihin na noong maliliit pa kami ay paroo’t parito kami sa lalawigan.

RelatedPosts

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15

Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming

Bilang may kaugalian at pamahiing sinusunod at pinaniniwalaan, nariyan ding minsan ay may mga karanasan kaming hindi rin maipaliwanag.

ADVERTISEMENT

Kagaya na lamang sa isa sa mga personal kong karanasan sa aming tahanan, hanggang ngayon ay wala pa rin akong kapaliwanagang nakuha mula sa siyensiya—kung paano iyon nangyari at kung sino ang may gawa.

Noong bata pa lamang kami ay hindi pa halos uso ang pagkakabit ng ilaw ng kuryente, kaya ang nagbibigay-ilaw at liwanag sa pusikit na karimlan ng gabi ay tanging gasera lamang. Lumaki akong matatakutin, marahil dahil sa mga kwento ng aking ama bago ako matulog tungkol sa mga engkanto, aswang, iba’t ibang uri ng maligno, sirena at syokoy at iba. Di rin siyempre nawawala ang kwento ukol sa mga kaluluwa, santermo o “St. Elmo’s Fire,” lumilipad na kabaong at sigbin.

Isang dahilan din marahil ng pagtatak sa isip ko ukol sa takot ko sa dilim ay ang panunukso rin ng aking ama, mga kapatid at ilang kaanak ukol sa aswang o engkanto na nagpapakita umano sa gabi.

Minsan, nang maiwan ako sa aming bahay mag-isa—at madilim na ang paligid dahil oras na ng hapunan. Umalis ang aming ama at ina dahil may pinuntahang mahalagang bagay. Kasama ng aking ina ang kapatid kong sumunod sa akin; wala rin ang nakatatanda naming kapatid dahil nag-aaral siya sa isang eskwelahan sa lungsod ng Puerto Princesa.

Halos kayayao lamang ng pang-apat naming kapatid ng mga panahong iyon kaya may takot akong naramdaman—hindi ko kayang pakitaan ako o paramdaman ng kaluluwa ng aming kapatid kaya lumabas ako ng bahay sa rason na kung sakalimang magparamdam siya ay agad akong makatatakbo sa aming kapitbahay sa di-kalayuan.

Napalilibutan ng ilang puno ng bayabas, niyog at mga halamang kung tawagin ay San Francisco ang aming bakuran dahil maliban sa palabasa ang aming ama ay mahilig din siyang magtanim. At bilang bata, palagay ko noon ay may kung anong nakatago sa halamanan pagkagat ng dilim.

Habang kinakain ng kilabot at takot ang aking kaisipan ng mga sandaling iyon at akap-akap ang sarili na halos mangiyak na, nang bigla na lamang tumindig ang aking mga balahibo at napasigaw.

Malakas akong napasigaw nang marinig ko sa gawing sala ng aming bahay na may bumuhos sa laman ng bag ng mga laruan ng yumao naming kapatid. Agad na rumihistro sa aking kaisipan kung sino ang pupwedeng gumawa noon gayung walang ibang tao sa loob ng bahay, walang batang naiwan at wala rin kaming alagang hayop ngunit bago pa man mapag-isip ang lahat ng posibleng kasagutan ay humaririt na ako ng takbo sa kung saan may malapit na kapitbahay.

Hindi ko na halos maalaala ang mga kasunod na naganap—kung paano ako naakuwi ng bahay at ano ang mga kasunod na nangyari. Ang batid ko lamang ay naikuwento ko rin iyon sa kanila at sila man din ay napaisip. Ang bag ng mga laruan ay kakatwa namang naroon pa rin sa orihinal na kilalagyan nito.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumatakbo sa aking isipan ang yugtong iyon ng aking buhay—na para sa akin ay pagpapaalaala ng aking kapatid na lubos kong minahal at inalagaan na nariyan pa rin siya sa aming piling sa mga sandaling iyon.

At sa pagdagdag ng mga taon, nariyan pa rin ang mga misteryong kakambal na marahil ng buhay sa mundong ibabaw, ngunit naroon na ang kakayanang malabanan na ang mga takot na nararamdaman, kalakip ang tiwala sa Poong Maykapal.

Noon ay mga aswang, engkanto at multo ang lubos kong kinatatakutan ngunit habang tinatahak ko noon ang tuktok ng edukasyon, napag-isip-isip kong, higit palang nakatatakot kung maging duwag sa pagharap sa buhay, at higit palang dapat katakutan ang mga buhay kaysa sa mga ispirito dahil may kakayanan silang manakit ng pisikal.

Tags: aswangengkantokabaongmalignomultopagpaparamdampuerto princesasigbinsirenast elmo's firesyokoyundas
Share135Tweet84
ADVERTISEMENT
Previous Post

Croc experts to Balabac folks: Keep off swamps at night

Next Post

PSU Red Cross Youth Council amasses 85 blood bags

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

El Nido reminds tourists’ adherence to dress code in town areas following elders’ request
Feature

Boracay, Palawan, and Siargao among Asia’s Top Islands

October 18, 2025
Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15
Feature

Starbucks to soft open in Puerto Princesa on October 15

October 7, 2025
Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming
Agriculture

Farmer in Puerto Princesa’s Sta. Lucia finds success in cabbage farming

September 29, 2025
Rare Palawan frog found in Narra signals clean rivers — and looming threats
Environment

Rare Palawan frog found in Narra signals clean rivers — and looming threats

September 29, 2025
765,991 tourists flock to Palawan in the first half of 2023
Feature

Palawan named among top global destinations by Condé Nast Traveler

September 21, 2025
Swimjunkie Challenge: San Vicente MOA signing
Feature

Swimjunkie Challenge to kick off in San Vicente next year

September 17, 2025
Next Post
PSU Red Cross Youth Council amasses 85 blood bags

PSU Red Cross Youth Council amasses 85 blood bags

Crocodile attacks boy in Balabac, Palawan

Destruction of mangroves triggers crocodiles' attacks in Balabac

Discussion about this post

Latest News

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

Barangay Maningning earns back-to-back honor at Puerto Princesa City Tandikan Awards 2025

December 19, 2025
Search for longest-running aviation mystery, MH370, to continue this December

Search for longest-running aviation mystery, MH370, to continue this December

December 6, 2025
CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15218 shares
    Share 6087 Tweet 3805
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11612 shares
    Share 4645 Tweet 2903
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10296 shares
    Share 4118 Tweet 2574
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9822 shares
    Share 3929 Tweet 2456
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9722 shares
    Share 3888 Tweet 2430
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing